^

PSN Opinyon

Tindi ng init

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

DAVAO CITY -- Minsan ‘pag sinabing ‘‘summer is offi­cially here’’ talagang tumatalon tayo sa galak dahil beach time na naman at excursion o road trip sa mga tourist destinations sa kanayunan. 

Ngunit kakaiba na rin ang tindi ng init kapag summer­ na may dalang El Niño nitong mga huling taon. Climate change is real. Binabalewala nga natin ang mga babala niya bago tayo umabot sa ganitong level nga­yon.

At may nangyari ngang pagsabog kahapon dakong 11:20 a.m. sa loob ng Davao City Police Office sa San Pedro Street kung saan naganap sa Explosive Ordnance­ Disposal Unit ng nasabing barracks.

Ayon kay Chief Supt. Marcelo Morales, ang tindi ng init dito kahapon ng tanghali ang sanhi ng pagsabog.

Ani Morales ang apektadong EOD office ay imbakan ng mga ebidensiya, kasali na ang mga lumang ebiden­siya ng mga nagdaang kaso.

Wala naman daw nasaktan sa pagsabog at wala ring mga armas na nasira kahit na sa initial na balita ay ang armory ng DCPO ang nasabugan.

‘Yon nga ayon kay Morales wala naman daw silang nakitang foul play ngunit  matindi lang talaga ang  init at ang naging dahilan ng pagsabog.

Ngunit patuloy pa naman ang imbestigasyon sa kaso. Malalaman din natin ito sa mga darating na araw.

At pag-ibayuhin muna natin ang pag-iingat dahil hanggang Hunyo pa ang El Niño.

vuukle comment

SUMMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with