EDITORYAL - Hindi na natatakot ang drug smugglers!
(Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MARAMING nasasagip na cocaine sa karagatan. Sunud-sunod ang pagkakatagpo ng mga ma­ngingisda sa bloke-blokeng cocaine na nagkakahalaga ng bilyong piso. Mula pa Disyembre ng nakaraang taon, marami nang nasagip na cocaine sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nang makarating kay President Duterte ang pagdagsa ng cocaine, hindi niya naitago ang pagka­dismaya. Inamin naman niya na mahirap talagang masugpo ang pagkalat ng illegal drugs. Isa ang drug problem sa ipinangako niyang wawakasan noong nangangampanya pa lamang noong 2016. Ngayon ay magtatatlong taon na siya sa puwesto at ang problema sa illegal drugs ay narito at lalo pang luma­lala.

Naging matalino pa ngayon ang drug traffickers­ at iba’t ibang paraan ang ginagawa para maipasok ang droga sa bansa. Kung noon ay pawang laboratoryo ang kanilang itinatayo, ngayon ay hindi na. Gumagamit na sila ng barko para dalhin sa laot ang droga at doon ihahagis. Ang mga inihagis na cocaine ay masasagip naman ng mga mangingisda. May mga mangingisda na inire-report ang nasagip na cocaine at meron namang hindi.

Kamakailan, nakasagip ang mga mangingisda ng 40 bricks ng cocaine na nagkakahalaga ng bilyong piso sa karagatan ng Surigao del Norte. Isa namang mangingisda ang pinakakasuhan ng Philippine Durg Enforcement Agency (PDEA) dahil itinago ang nasagip na cocaine.

Hindi na naitago ng Presidente ang galit dahil sa sunud-sunod na pagkakasagip ng cocaine sa karagatan. Kaya nang magsalita siya sa isang campaign rally sa Bukidnon noong Linggo, inatasan niya ang Philippine Navy na pasabugin ang barko o bangka na ginagamit ng drug smugglers. Pati raw ang mga crew at iba pang tao na nasa barko ay pasabugin din.

Gagawin ng PN ang utos ng Presidente na pa­sabugin ang barko. Tiyakin lamang ng PN na barko ng drug smugglers ang pasasabugin dahil malaking problema kung mali ang matatarget. Isa pang dapat gawin ng pamahalaan ay sikaping matukoy ang source ng cocaine. Kahit pa mapasabog ang mga barko, balewala sapagkat maaari namang bumili ng bago.

DRUG SMUGGLERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with