Bakit di mapuksa ang corruption?
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MATAGAL nang hinaing ng sambayanan ang katiwalian, hindi laman sa gobyerno kundi sa bawat sector ng lipunan, Ngayong Semana Santa, pagbulayan natin ang usaping ito na malaking problema na ng sandaigdigan sapul pa yata nang ito’y likhain ng Diyos.

Ilang henerasyon na ng leader sa bansa ang nanga­kong susugpuin ang katiwalian, ngunit hanggang ngayon ay wala tayong nakikitang pagbabago, bagkus lalo pang lumulubha. Mismong si Presidente Duterte na ang nagsabi na sumasahol at hindi bumubuti ang problema ng bansa sa ilegal na droga. 

Sumuko na sa kanyang pangako ang Pangulo na susugpuin niya ang problema sa loob ng kanyang termino. Kahit ang pangako niyang pupuksain ang korapsyon ay walang pag-usad dahil sa pakikipagkutsaba ng mga tauhan­ ng pamahalaan sa mga sindikatong kriminal.

Ano ba ang sinasabi ng Diyos tungkol sa kalikasan ng tao? Sinasabi sa Roma 3:23 na tayong lahat ay maka­salanan at hindi tayo makaabot sa pamantayan ng Diyos­. Lahat ay may pagnanasang bumait pero nagagapi ng kani­­lang masamang kalikasan. Nasisilaw ang tao sa kinang ng salapi at kapangyarihan at gagawin ang lahat, kahit labag sa kalooban ng Diyos matamo laman ito.

Ngunit sa kabila ng ganyang kalagayan natin, mahal tayo ng Diyos kaya ibinigay Niya ang bugtong ng Anak na si Jesus upang tayong mga sasampalataya sa kanya ay maligtas at magtamo ng buhay na walang hanggan, ayon sa Juan 3:16.

Sa Roma 6:23, sinasabi na ang kabayaran ng ating kasalanan ay kamatayan, Ngunit ang handog ng Diyos sa atin ay buhay na walang hanggan mula kay Hesus na ating Panginoon at Tagapagligtas. Iyan ang inaalala natin ngayon ng may kagalakan at hindi pagluluksa.

Namatay si Hesus upang hindi na natin kailangang bayaran ng ating buhay ang mga kasalanan natin. Ang pagtanggap sa Kanya ay kaligtasan ang dulot at kakayahang mahalin at sundin ang kalooban ng Diyos.

SEMANA SANTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with