Walang dahilan
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

NANGAKO si DFA Sec. Teddy Locsin na hindi lilisanin ng Pilipinas ang naging desisyon ng The Hague hinggil sa exclusive economic zone sa karagatan. Hindi rin binigyan ng halaga ng nasabing desisyon ang “Nine Dash Line” ng China, kung saan halos buong karagatan ay inangkin. Pero sa kabila ng mga pahayag na iyan, hindi raw dapat pinagtatalunan ang isyu ngayon dahil nakapagbitaw na ng mga mainit na salita ang 2 bansa.

Hindi rin daw isinantabi ng administrasyong Duterte ang desisyon para maging malapit sa China. Kaila­ngang makita at marinig ‘yan. Kailangang sabihin ni Duterte iyan mismo kay Chinese President Xi Jinping. Para malinaw at wala nang pag-iisipan pa. Nakakabahala na ang ginagawa ng China sa Pag-asa Island, kung saan tila pinaliligiran ang isla, kasama pa ang kanilang Coast Guard at Navy. Hindi na normal na kilos ng mangi­ngisda, kung mga mangingisda nga sila.  

Ang nais ni Locsin ay paalisin ng China ang mga nakapaligid na barko sa Pag-asa Island, at kung saan pang islang pinaliligiran. Kahit ano pang sabihin ng China­, nakababahala ang dami ng mga barko sa isang bahagi ng karagatan. Sino ang may gusto niyan? Hindi pa nga sigurado kung talagang mga barkong pangisda. Baka iba talaga ang layunin ng mga barko. Hindi malayong isipin na minamanmanan ang anumang gina­gawa sa Pag-asa, partikular mga pagsasaayos at reha­bilitasyon ng mga lumang pasilidad. Mahalaga ring ma­ayos ang paliparan.

Mabuti naman at tila nagiging matayog ang katayuan ng administrasyon sa mga isyu sa South China Sea. Hindi talaga puwedeng hindi punahin ang mga kilos ng China, na madalas gawin ng Palasyo. Hindi na puwedeng magpaliwanag na lang para sa lahat ng mga kilos. Tinuturing na kaibigan ng administrasyon ang China, kaya dapat ganundin ang China sa atin. Wala talagang dahilan para paligiran ang isla ng kaibigan.

TEDDY LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with