^

PSN Opinyon

Babala: Mga modus ngayong Holy Week!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ETO ‘yung mga panahon kung saan nagiging aktibo ang mga dorobo, mapa-lansangan man o sopistikado. Dahil summer, kapag aligaga ka kaka-travel at ‘di listo – kuwi­daw, potential victim ka.

Unang modus, marami nang mga bakasyunista ang nabiktima. Ang modus ng “travel promo” at dahil sa lawak ng sakop ng internet at social media, mas marami pa ang nahuhulog sa bitag ng mga scammers ngayon.

Walang manloloko kung walang nagpapaloko. Aminin natin, ang daming Pilipino kasing excited agad makakita lang ng promos at discounts. Mga big-time promo kuno ng mga “airlines.”

Nakita lang sa social media ang post nitong mga “discounted fares” kuno at “cheap travel packages”, naengganyo agad. Ang masaklap, ang katransaksiyon, take the money and run na.

Mga boss, para makaiwas sa ganitong modus, dumi­retso na kasi kayo sa mga airlines at mga lehitimong travel agencies.

Sa kanila kayo pumunta dahil may habol kayo oras na magkabulilyaso. Regulated sila ng gobyerno, ‘di tulad ng kung sinu-sinong siraulo sa internet. Take it from me. Kami ang lehitimong anti-modus. Kung kayo’y makiki­pag-ugnayan sa mga indibidwal online, tapos sa remittance centers ang bayaran, umiwas na kayo. Kalokohan lang ‘yang mga ‘yan!

Ikalawang modus, kung kayo’y magbabakasyon at tutuloy sa mga condotel o apartment, mag-iingat kayo. ‘Yung susi na ibibigay sa inyo ng may-ari, hindi kayo nakasisiguro na hindi tampered. Baka naduplicate na nang ‘di nalalaman. Pinag-aaralan nang mabuti ng mga kawatan ang lugar na kanilang bibiktimahin. ‘Di niyo alam, mala­king palaruan pala ng mga kriminal ang lugar niyong pupuntahan.

Maraming napapasok ang mga kawatan. Magugulat na lang kayo, wala na ang mga credit cards sa bag n’yo’t maleta.

Mga ATM o credit cards ang target madalas, para ‘di halata na nawala. Gawain kasi ng mga bakasyunista, iiwan ang tinutuluyang condotel at mga mamahaling gamit. Walang natitira sa mga inuupahang kuwarto o bahay.

Follow this. Make sure laging mayroong taong naiiwan sa inyong tinutuluyan. Also, check everything… locks, windows, pati mga entry at exit points. 

Ikatlo, kung kayo naman ay aalis nang matagal, siguraduhing mayroong magbabantay sa inyong bahay. Kahit ibilin man lang sa pinagkakatiwalaang kapitbahay.

‘Wag na ‘wag ibulgar sa social media ang plano niyong bakasyon. Estupido ang tawag doon. Para n’yo na ring buong pusong inimbita ang mga kawatan sa inyong tahanan.

Nasa amin ang babala, nasa inyo ang pag-iingat. Maging alerto sa mga modus ngayong Holy Week para ‘di nabibiktima. Bukas ang aming tanggapan at mga social media pages para sa mga sumbong at reklamo. Libre ang aming serbisyo. Ang gagawin niyo na lang ay lumapit.

vuukle comment

HOLY WEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with