_ngayon
^

PSN Opinyon

P38-M cash advance naglaho sa Malabon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NOONG 2001, naging“highly urbanized city” ang Ma­labon­. Panahon ito ni Pangulong Gloria Arroyo. Nagkaroon ng poder ang lungsod na magpataw ng buwis, magbukas at magsara ng mga kalsada, parke, o lugar; humawak, tumanggap, o bumili ng lupa at ari-arian; at magpatupad ng mga Rekisitos ng Commission on Audit na sa bawat kolek­syon na pumapasok o luma­labas para sa ano mang akti­bidad, dapat ay may offi­cial at acknowledgement receipts. Ito ay upang ma­mo­nitor at mairekord nang tama ng City Treasury. Diyan nagkulang ang Malabon, dahil lumalabas na may P1,861,846.00 na hindi naitala sa mga nasabing koleksyon.

Ano naman itong P214,213,576.00 na “unreconciled difference” sa book balances at Physical Report of Pro­perty, Plant and Equipment o PRPPE? Dapat ay naki­pagtulungan na noon pa ang General Services Department at City Accounting Department upang mahanap ang mga kaukulang dokumento at maayos ang balanse ng book accounts at Property, Plant and Equipment. Nasa P38,306,496.00 ang naitalang pasok sa “unliquidated cash advances” mula sa mga inisyu na pera sa mga opis­yal ng lungsod. 

Mukhang ayaw lumantad ng mga responsable sa nasa­bing mga outstanding cash advances dahil dapat noon pa man ay nagbigay na sila ng dokumento na nagpapa­tunay na na-settle na ang isyung ito. Biro mo, 2013 pa ito pero hanggang ngayon ay sumisingaw pa rin ang mga kabal­balan pagdating sa inisyung pera.

Hindi rin ligtas ang Malabon sa usapin na Priority Development Assistance Fund o PDAF. Noong ika-13 ng Disyembre 2013, pa naibalik sa City Treasury ang remaining balance na nagkakahalaga ng P4.183 milyon. Saan nga ba ito napadpad? 

 Ang share ng mga barangay sa Community Tax Certificates na nasa P3,708,028.00 ay hindi naibalik o natapos sa loob ng dalawang taon lang naman na pumigil sa 21 barangay sa Malabon sa paggamit ng ka­ukulang pondo para sa mga programa nito. Dapat ay agarang maibalik ang hindi na-remit na pondo sa 21 barangay sa Malabon, dapat nga noon pa. Kung hindi ngayon, kailan pa? Aasikasuhin pa kaya ito ng kasalukuyang nakaupo sa lungsod ng Malabon o baka  ibaon na ito sa limot para panibagong pondo ay makamkam muli o magamit sa maling gawi? 

GLORIA ARROYO MA­LABON­
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with