Hindi napaghandaan?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2019 - 12:00am

NAKARANAS ng napaka-konting ulan ang Metro Manila noong Biyernes. Hindi sapat para maibsan ang matin­ding uhaw na niraranas ng mga halaman at tanim, pati na rin ang kinakailangang tubig para sa lungsod. Sa kabila ng pahayag ng mga kompanya ng tubig na mala­king por­syento ng lungsod ay medyo normal na ang suplay, maraming mga lugar ang nakararanas ng biglaang kawalan ng tubig. Aminin na natin, hindi magiging normal ang suplay ng tubig hangga’t hindi dumarating ang tag-ulan.   

Binatikos naman ni President Duterte ang MWSS board. Sa isang talumpati sa Bukidnon, pinagmumura­ ang board ng nasabing ahensiya, kung bakit hindi napag­handaan ang El Niño, kung halos taun-taon naman ay nagaganap ito sa bansa. Tatlong taon na ang administrasyong ito. Siguro nga ay alam na nila iyan. Dagdag pa ni Duterte, tila kumilos lang ang nasabing board nang magbanta na bibisitahin sila.

Napag-alaman noong Marso, kasagsagan ng kawalan ng tubig, na wala palang civil engineer sa board ng MWSS. Puro mga abogado, ilang retiradong heneral at isang chemical engineer. Kaya paano nga naman matu­tugunan ang problema? Pero sino ang naglalagay ng tao sa board ng MWSS? Ang Presidente ng Pilipinas. Tatlong taon ang termino ng mga opisyal. Halos lahat maliban sa isa ang nanungkulan noong 2017.  

Pag-aaralan daw ni Duterte kung may kailangang sibakin sa nasabing board, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Sana kung may matanggal man, sana ang ipapalit ay may karapat-dapat na kuwali­pikasyon para matugunan ang problema. Nasa kalagitnaan pa lang tayo ng Abril. Malayo pa ang ulan. Nasa P5.7 bilyon ang halaga ng danyos sa agrikultura, dahil sa tagtuyot. Kung El Niño pa, baka mas matagal pa. Lampas pa ng Hunyo ang inaasahang ulan. Mukhang ka­ilangang sagarin na muna ang ilalim ng mga balde, para lang sa araw-araw na pangangailangang tubig.  

WATER CRISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with