^

PSN Opinyon

Paging ulit, General Eleazar at PDEA chief Aquino, Sirs!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ERRATUM - Humihingi ng despensa ang Chief Kuwago kina NCRPO chief Guillermo Eleazar, PDEA chief Aaron Aquino at sa mambabasa ng ORA MISMO, dahil nagkamali tayo last Monday tungkol sa isinulat nating puna sa Barangay 162 Zone 16!

Ang tamang barangay ay ang Barangay 182 Zone 16 d’yan sa may Gagalangin, Tondo!

Sabi nga, nag-enroll este mali nagka-error lang!

Uulitin natin ang kuento tungkol sa rami ng mga illegal vices tulad ng video karera, horse racing bookies, sakla at ang pinakamatindi sa lahat ay ang tirikan ng mga adik-adik/pushers sa lugar na ito.

Mukhang nagbubulag-bulagan umano ang mga opisyal ng barangay sa Barangay 182, Zone 16, dahil talamak ang isinusumbong sa atin ng madlang people dito.

‘Malimit bang makita ang mga barangay sa kanilang barangay headquarters?’ tanong ng kuwagong hilahod.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala palang CCTV camera ang barangay na sinasabi natin kaya naman pala patulug-tulog ang mga burongoy kawatan dito sa nangyayaring operasyon ng mga illegal drugs at mga pasugalan dahil hindi nila ito namo-monitor.

Sabi nga, hindi nila napapanood?

Naku ha!

Ano ba ito?

Ang mga burongoy kawatan ay makikita lang rumuronda kapag araw ng sahod at oras na nakuha na nila ang kanilang mga sueldo ay maglalahong parang bula ulit ang mga gago at mahirap na naman silang hanapin.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangang ikutan at tiktikan nina Eleazar at Aquino ang Barangay 182 Zone 16 para malinis nila ang mga adik-adik dito, tulak, bookies, at iba pang mga illegal activities. Take note, mga Sirs!

Tiyak na makakasungkit ang mga tauhan ni Eleazar at Aquino sa mga iligal na nangyayari rito dahil mismo ang mga burongoy kawatan ng lugar ang mga patong sa nasabing mga illegal activities.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga humihingi ng tulong kay  burongoy kupitana at mga alipores nito pero nagmistulang mga bingi ang mga gago at parang bola ng basketball itong pinagpapasa-pasahan ang pobreng nagpapatulong!

Sabi nga, mga inutil at nagpapalaki lang ng mga bayag ang mga kamoteng burongoy kawatan dahil walang ginagawa at walang malasakit sa kanilang mga constituents. Pero sa pagpatong sa droga mabilis pa sa alas-kuatro ang mga kamote dahil mismo ang barangay kupitana ay lulong sa droga.

Ika nga, garalgal magsalita, halos bumubula at ngiwe ang bibig. Hehehe!

Bakit?

Sagot - adik din ang gago!

Ano kaya ang masasabi rito ni Barangay Captain Jimmy Lorente? Alam kaya nito ang nangyayari sa kanyang area of responsibilities?

May mga nahuhuli bang mga adik/pushers ang mga burongoy kawatan sa lugar nila? Isinusumbong ba nila ito sa pulisya para matiktikan ang galaw ng mga kamote? May mga nahuhuli rin bang mga nagsusugal?

Hindi ba nakapatong si Capt. Jimmy sa mga illegal vices na talamak sa kanyang nasasakupan at ang mga adik/pushers dito mukhang hindi mahuli?

Naku ha!

Ano ba ito?

Nakatirik sa mga pondohan ng tulak at sugalan ang mga burongoy kawatan kasama ang iba sa tsongkian kaya dapat magkaroon ng random o mandatory drug test sa mga burongoy kawatan.

Para sa mga barangay officials naman kailangan ding magkaroon ng mandatory drug test para matiyak na malinis sila pagdating sa usapin ng illegal drugs. Tama ba, Capt. Lorente?

Unahin ang mga pa bright-bright na mga burongoy kawatan at pagkatapos salakayin ang mga bookies, video karera at iba pang pasugal. Tama ba, General Eleazar?

Huwag tantanan ni Aquino ang mga adik/pushers sa lugar, ipaturo nila kay Barangay Capt. Lorente ang mga namo-monitor nitong mga pugad ng illegal drugs.

Ano kaya ang masasabi ni Barangay Captain Jimmy Lorente rito? Alam niya kaya ang mga nangyayari sa paligid ng sona niya?

Oh, baka pati ikaw ay pakaang-kaang?

Hindi rin kailangang basta ipaubaya nina Eleazar at Aquino sa mga tauhan ng MPD ang gagawing paniniktik o hulihan blues dahil ang ilan sa kanila ay nakapatong sa sugalan at mga tulak.

May mga pulis pa nga na tumitira rin ng katol este mali shabu pala na kasanggang dikit ng mga dupang at pushers sa lugar?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kung walang nakapatong na mga tiwaling taga-COP,  bakit ang daming bookies sa lugar at mga adik/pushers? Paging DILG Secretary Ed Ano, Your Honor!

Ang masama pa rito hindi makapalag ang mataas na opisyal ng burongoy kawatan sa isa sa mga kasamahan nila dahil dito pala umuutang ng salapi si burongoy kupitana para sa kanyang bisyo?

Sabi nga, pang tsongki!

Hindi natin tatantanan ang lugar na ito hangga’t walang aksyong gagawin sina Eleazar at Aquino.

Abangan.

vuukle comment

BARANGAY 182 ZONE 16 GAGALANGIN TONDO!

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with