^

PSN Opinyon

Ecuador nilansi ng China; Pilipinas mag-ingat sana (2)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NABITAG ng China ang Ecuador sa bilyon-bilyong dolyar na pautang. Palpak ang hydroelectricity dam na itinayo ng kumpanyang Chinese sa gilid ng bulkan. Pero nagba­bayad ang Ecuador ng 80% ng pinaka-mahalaga nitong export: langis. (Karugtong nang lumabas kahapon)

Napansin ni Justice Antonio Carpio na maari rin malansi ang Pilipinas sa pautang ng China. Luging-lugi ang Pilipinas sa P4.37-bilyong utang para sa Chico River Pump Irrigation. Una, labag sa Konstitusyon ang paglilihim dito. Nakakuha pa rin si Carpio ng kopya. Sa Article 8 isinuko ng gobyerno ang immunity sa demanda kung hindi makabayad. Magkakaroon ng arbitration, sa ilalim ng mga batas ng China. Hihirang ng tig-isang arbiter ang Manila at Beijing, ang pangatlo ay mula sa kanilang dalawa. Kung hindi sila magkasundo sa pangatlong ito, magtatalaga ang China ng taong gobyerno nito. Hindi mananalo ang Pilipinas sa anumang arbitration, ani Carpio. “Lutong makaw.”

Bilang kabayaran, pipili ang China ng kahit anong ari-arian ng Pilipinas. Ang hindi lang puwede ay ‘yung mga ginagamit pang-diplomasya, pang-militar, o pampubliko­. Malamang angkinin ang Recto Bank, mayaman sa langis­ at gas, sa gilid ng Palawan.

Mas lugi pa ang Pilipinas sa P12.5-bilyong pautang ng China para sa Kaliwa Dam sa Sierra Madre, Quezon. Linantad ni ex-congressman at ngayo’y senatorial candidate Neri Colmenares ang masamang proviso. May “Article 8, Waiver of Immunity” din ito. Pero walang exemp­tions na tatlong uri ng ari-arian ng estado. Kaya kahit ano rito ay maaring angkinin ng China bilang bayad-utang.

Dati nang nalubog sa utang ang Pilipinas. Dekada-’80 walang pakundangang umutang si diktador Ferdi­nand Marcos, sa payo ng cronies. Tumama ang global economic crisis. Hindi makabayad-utang ang Pilipinas. Pu­malit si Cory Aquino. Naghirap ang madla nang kontrolin ang Pilipinas ng International Monetary Fund at World Bank.

vuukle comment

HYDROELECTRICITY DAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with