^

PSN Opinyon

Ecuador nilansi ng China; Pilipinas mag-ingat sana (1)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISA ang Ecuador sa mga bansang nabitag ng China.     Pinautang ito ng $19 bilyon ng China Export-Import Bank. Kapalit, kinontrata nito ang mga kumpanyang China para sa mga tulay, highways, at pitong dams. Isa sa mga proyekto ang $1.7-bilyong Coca Codo Sinclair hydroelectricity dam. Paiilawan sana nito ang ikatlo ng bansa. Pero napaka-palpak ang trabaho ng kumpanyang Chinese. Barado ang reservoir ng sediment, buhangin, at troso. Itinayo ito sa tabi ng aktibong bulkang Reventador. Kaba ng mga naninirahan sa ibaba ay guguho ang mga tore sa malimit na mudslides.

Nu’ng 2016, dalawang araw bago dumating si Chinese President Xi Jinping para mag-inaugurate, tinodo-andar ng mga enhinyero ang mga makina. Pasisiklaban sana nila ang bisita na nagpautang. Malakas na yumanig ang dam, at nag-blackout sa buong national power grid. Mahigit pitong libong lamat ang nagpahina sa mga turbina.

Umaandar ito ngayon sa kalahati lang ng dapat sanang kapasidad na 1,800 megawatts. Pero buong-buo ang obligasyones sa China. Dahil isinuko ng Ecuador ang mga likas na ari-arian para sa utang, ang ipinambabayad nito ay 80% ng pinaka-mahalaga nitong export: langis.

Maaring malansi din ang Pilipinas sa pautang ng China. Babala ni Justice Antonio Carpio, pinaka-senior sa Korte Suprema, maaring angkinin ng China ang Recto Bank. Ito’y kung hindi makabayad ang Pilipinas sa P4.37-bilyong pautang ng China Eximbank para sa Chico River Pump Irrigation sa Cordillera. Tulad kasi ng Ecuador, isinuko ng Pilipinas ang mga pambansang ari-arian sa pautang.

Malaon nang pinagnanasaan ng China ang Recto Bank. Laman noon ang hanggang 5.4 bilyon bariles ng krudo at 55.1 trilyon cubic feet ng gas, anang U.S. Energy Information Administration. (Itutuloy bukas)

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

CHINA EXPORT-IMPORT BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with