^

PSN Opinyon

No. 1 na naman

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NATURAL sa tao ang ihambing ang bagay sa kapwa bagay, tao sa kapwa tao. Para sa marami, ito ay mabisang paraan upang mapatunayan kung sapat na o kung may kakulangan pa sa inihahambing. Kung hindi kuntento sa paparisang iisa, hahanapin ang puwesto sa pamantayang ga-lista ang kabilang. 

Ang Pilipinas ay napasama na sa maraming listahan na sukatan laban sa ibang bansa pagdating sa kung anong katangian. Hindi lang sa mga paligsahan. Kusang pagsukat lang ng kalagayan natin pagdating sa tukoy na usapin. Top beaches sa mundo. Biggest OFW supplier. Most number of Miss Universe winners. Sa maraming kategorya ay nangunguna ang Pilipinas. 

Ang masaklap ay hindi lang sa positibong kategorya tayo nangunguna. Sa ilalim ng nakaraang administrasyon­ ay nakilala tayo bilang No. 1 worst international airport in the world. Kamakailan lang ay inilabas ang listahan ng mga nangunguna sa pagkalat ng polusyon sa karagatan at ang Pilipinas ay kinilala bilang top 3 sa mundo. At heto ang isa pang latest, kortesiya ng paggugol ni Dean Jose Manuel “Chel” Diokno: ang Pilipinas ang No. 1 sa mundo pagdating sa most crowded jail systems. Mahigit 192,000 ang Pilipinong nakakulong sa ating mga piitan na pang 40,000 lamang. Ang ating jail occupancy rate ay mahigit 460%. 

Kaya nga hindi maintindihan ni Dean Diokno ang pag­pupumilit ng administrasyon sa pagbaba ng minimum age of criminal responsibility. Dahil gustuhin man ito ng pamahalaan, wala namang sapat na facilidades na paglalagyan ng mga bata. Pati mga bahay pag-asa kung tawagin ay kakaunti. Ang kalalabasan nito ay mahahalo rin lang ang mga bata sa mga malalang kriminal. Imbes na may matutunan silang aral sa pagkabilanggo, lalo lang sila magiging masamang kriminal. 

Ang kalagayan ng ating mga bilangguan ay dapat ding tuunan ng pansin dahil hindi na makatwiran at makatao. Kalupitan na ang ipilit ito sa ating mga bilanggo. Ngayong panahon ng tag-init, lalo na itong nagiging torture at paglabag sa mga karapatang pantao na hindi nawawala kahit pa sa mga nasa bilangguan. 

vuukle comment

JOSE MANUEL “CHEL” DIOKNO

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with