^

PSN Opinyon

Political dynamics sa Mindanao

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG mga taga-Mindanao ay karaniwang nagkakahati ng pananaw sa politika. Pero isang bagay ang mapapansin natin. Kapag may kursunada silang kandidato, isinasa­isantabi nila ang political differences upang magkaisa sa pagsuporta sa kandidatong napupusuan.

Kaugnay ng nalalapit na midterm elections sa dara­ting na buwan, ang nagkakaisang inendorso nila ay si sena­torial bet Bong Revilla. Naalala ko tuloy si yumaong FPJ na inidolo ng mga Mindanaoan at nagtamo ng landslide victory sa rehiyon ng tumakbo sa pagka-Pangulo.

Higit sa pitumpong porsiyento mula sa 31 munisipa­lidad sa buong Maguindanao ang nagsama-sama sa bayan ng Datu Odin Sinsuat at inendorso si Bai Mariam Sangki Mangudadato bilang gobernador ng Maguin­danao. Sa okasyong ito, isa si Revilla sa inanyayahang magsalita sa mahigit limang libong katao na nakinig habang inilalatag ni Revilla ang plano niya sakaling mabalik sa Senado.

Nagpahayag ng suporta sina Governor  Pax Mangudadatu at Cong. Teng Mangudadatu sa kandidatura ni Revilla na sinalubong ng umuugong at masigabong palakpakan ng mga nagsidalo. Ganyan din kainit ang pagtanggap kay Revilla sa Sultan Kudarat.

Ani Revilla, isusulong niya ang pensiyon para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na magreretiro sa tra­baho­ ang pagtatayo ng eksklusibong pagamutan para sa kanila at ng hindi magmukhang kawawa ang mga kaba­bayan nating tinatawag pa namang bagong bayani. 

Idinetalye rin ni Revilla ang plano niya para sa disenteng pasahod sa mga manggagawa, nurses, teacher at barangay workers upang Hindi na sila nagtutungo sa ibang bansa dahil sa kawalan ng asenso sa kani-kanilang trabaho sa Pilipinas.

Matatandaan na itong si Revilla ay itinakdang Sultan Aadil o Prince of Justice noong 2011 sa isang seremoniya na pinangunahan mismo ni Gov. Pax Mangudadatu.

Sa talumpati ni Revilla, tiniyak nito na kasama sa kanyang agenda ang katahimikan at kaayusan, lalo na ang paghahatid ng kaunlaran at progreso sa buong Mindanao. 

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

POLITICAL DYNAMICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with