^

PSN Opinyon

Pikon, talo!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PUMALAG si VP Leni Robredo sa pananakot ni Boss Digong na magdedeklara ito ng revolutionary government?

Sabi nga, ikakarsel ang mga kritiko ng kanyang administrasyon?

Naku ha!

Huwag naman sanang totohanin ni Boss Digong ang banta niya sa mga pumipikon sa kanyang administrasyon.

Halos ipinagsisigawan ni VP Leni, na hindi dapat high blood ang mga sagot ni Boss Digong sa mga critics niya lalo na ang pananakot nito ay lumayas este mali taliwas pala sa sinasabi sa Philippine Constitution.

Sabi nga, ang pikon ay talo. Hehehe!

Ibinida ni VP Leni, na maraming pagsubok sa politika hindi kasi biro ang pumasok dito, asahan ang sangdamakmak na kritiko na hindi aayon sa mga ginagawa mo.

Sabi nga, kapalpakan?

Ika nga, ang mga tirada ng mga pikon ay dapat nasa ‘constitutional means.’

Dapat lang!

Sabi ni VP Leni, hindi porke napikon ka, tatakutin mo ang madlang people sa isang paa este mali paraan pala na hindi constitutional.

Ika nga, harapin ang lahat ng kahirapan.

“Ito ay isa sa mga sinumpaan nilang mga nanalong politiko noong talunin nila ang mga talunan,” sabi ng kuwagong nagkakamot.

Sabi nga, sumunod tayo sa nakasaad sa Constitution!

Abangan.

AGMA-MCI Grand Alumni Homecoming

ILANG tulog na lang at Black Saturday na sa April 20, 2019, kaya naman sa dakong alas - otso ng umaga ng nasabing petsa ay iniimbitahan ang lahat ng mga kasapi at mga friends na dumalo at suportahan ang Agustin Gutierrez Memorial Academy o ang dating Mindoro Central Institute (AGMA-MCI), ang kanilang Grand Alumni Homecoming na gagawin dyan sa AGMA-MCI Alumni Multi-Purpose Gym, Naujan, Oriental Mindoro.

Sabi nga, for further information, huwag mag-atubili na tawagan si  Atty.  Silverio “Biyong” Garing, President, AGMA-MCI ALUMNI ASSOCIATION, INC. tel. 534-1754 at cp no. 0919- 260 -2000.

Sa mga AGMA-MCI members, huwag na hindi kayo pupunta para lalong maging masaya ang ating homecoming events.

Ibinida ni Biyong, na hindi magsisisi ang mga dadalo sa kanilang homecoming dahil sa dami ng mga putaheng pagkain na ipinahanda nila para sa okasyong nabanggit, may mga sayawan at kantahan at marami pang iba.

Sabi nga, ni Biyong, see you all!

Abangan.

Pikon, talo!

ORA MISMO Butch M. Quejada

vuukle comment

LENI ROBREDO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with