^

PSN Opinyon

Manila lagabog sa droga

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAIIRITA si President Digong sa pananatili ng droga sa kabila ng maigting na kampanya laban sa demonyong bisyo at negosyong ito. Ginagraduhan ng Department of Interior and Local Governments (DILG) ang bawat bayan at lungsod kaugnay ng pakikibaka sa ilegal na gamot. Ilang siyudad at munisipalidad ang semplang, kasama na ang premiere city ng Pinas, ang Maynila. Wake up call ito kay Mayor Erap Estrada.

Nakakapagtaka ito porke ang ibang siyudad tulad ng Quezon City at Caloocan ay mataas ang gradong nakuha sa DILG nitong 2018. Pasang-awa man lang sana, pero hindi. “65” ang nakuhang grado ng Maynila. Ayon  sa DILG, hindi kumikilos ang Anti-Illegal Drugs Abuse Council (ADAC)  laban sa droga.

 Ayon kay DILG Assistant Secretary for External and Legislative Affairs Ricojudge Echiverri, ang ibang lugar tulad ng Quezon City ay nakakuha ng grade na 100 at maging ang Caloocan na dating pugad ng illegal drugs ay 95 ang grado. Sabi nga ni Echiverri, mahihirapang magpaliwanag si Erap. Saan kaya napupunta ang Mil­yung-milyong pondo ng Maynila sa anti-drug campaign?

 Muntik nang maging 50 ang grado ng Maynila. Sa gan­­yang grado, maaaring sampahan ng administrative­ case ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Mayor­. Kamakailan lang ay nagsampa si Echiverri ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa 51 lokal na opis­yal dahil sa hindi nila pagsunod sa pagbubuo ng ADACs o di kaya ay dahil sa hindi pagkilos ng mga ADAC sa kanilang nasasakupang mga komunidad. 

 Noon pang Mayo ng nakaraang taon nagpalabas ng Joint Memorandum Circular No. 2018-01 ang DILG at Dangerous Drugs Board (DDB) na nag-uutos sa lahat ng Local Government Units (LGUs) na paganahin, palakasin at tiyaking nagtatrabaho ang mga ADACs sa kani-kanilang lugar. 

 Ilang ulit na naglabas ang DILG at DDB ng iba’t ibang direktiba na nagpapaalala sa mga opisyal ng mga LGUs na pakilusin ang mga anti-drug abuse councils para maging drug-free ang kani-kanilang lugar. Bakit hindi sila sumusunod? Ayokong isipin na malaki ang ganansya nila sa droga.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with