Biglang dagsa ng sibuyas: mga magsasaka nalulugi
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2019 - 12:00am

MGA magsasaka ng sibuyas sa Nueva Ecija ang huling sektor na nalugi dahil sa oversupply. Nauna sa kanila, nasayang ang pinuhunan ng mga magsasaka ng kamatis sa Laguna, melon sa Pampanga, carrots at iba pang gulay sa Benguet, kamatis uli sa Pangasinan at La Union, at talong sa Nueva Ecija rin.

Dumagsa nu’ng Marso ang supply ng sibuyas. Bu­magsak ang farm-gate price (presyong pakyaw) ng mula sa P15 kada kilo ng malaki at P20 ng maliit. Wala pa sa puhunan ang binibili ng mamamakyaw. Nabulok na lang sa mga sakahan, dahil walang pang-upa ang mga magsasaka ng sasakyan para dalhin sa palengke ang ani. Hindi sila tinulungan ng Dept. of Agriculture (DA).

Bakit nagkaganu’n? ‘Yun ay dahil sa pinayagan ng DA na over-importation ng sibuyas nu’ng 2017. Sinuri ni Engr. Rosendo So ng SINAG (Samahan ng Industriya at Agrikultura) ang records ng Customs. Nabatid na halos trumiple ang inangkat na sibuyas nu’ng 2018 kumpara sa 2017. Ang 38.75 milyong kilo nu’ng 2017 ay lumobo sa 101.38 milyon nu’ng 2018. Pinaka-dagsa ang imports­ ng sibuyas nu’ng Setyembre-Nobyembre 2018. Pumasok ang 23.09 milyon, tapos 25.12 milyon, at huli’y 15.87 mil­yong kilo. Kumpara sa parehong tatlong buwan nu’ng 2017: 1.75 milyon, 6.76 milyon, at 7.53 milyon lang.

Inimbak sa refrigerated warehouses ang angkat na sibuyas. Ibinaha ng importers sa merkado nu’ng Marso 2019. Kataon namang tag-ani ng lokal na sibuyas sa Central Luzon.

Tila sinadyang pabagsakin ang presyo, para mapakyaw ito ng traders nang mura. Ang traders mismo ang importers -- mga nagmamanipula ng supply at presyo.

Bakit sila pinapayagan ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

FARMERS ONION
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with