^

PSN Opinyon

Quo vadis Manila?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PREMIERE CITY ang Maynila. Nandito ang National­ Museum, Cultural Center of the Philippines, Intramuros­, Ayuntamiento de Manila, at Malacañang­. Ngunit bakit tila ito ang pinaka-underdeveloped na lungsod sa Metro­ Manila? Maraming Manilenyo ang disappointed­. Kitang-kita ng lahat ng dumaraan sa lungsod ang mga ‘di nahahakot na basura, naglipanang mga vendors kahit sa gitna ng daan. 

Bakit ba iyang Recto Ave. sa kanto ng Abad Santos papuntang Divisoria ay okupado ng mga vendors at sarado na sa trapik? Nasaan na ang promesa ni Mayor at dating Pre­­sident Estrada na pagagandahin at lilinisin ang lungsod?

Mabaho, madumi at magulo ang paligid. Pati City Hall ng Maynila ay marumi at magulo. Napag-iwanan na ng ibang lungsod tulad ng Taguig, Makati at Pasig. 

Nang tumakbo si Erap Estrada noong 2013, ipina­ngako niyang isasalba ang lungsod. Madami siyang ini­hayag na mga plano, ngunit sa mahigit limang taon bilang Mayor, wala tayong nakitang pagbabago kundi pagsahol ng masamang kondisyon.

Dumating pa ang panahon noon na tumpuk-tumpok ang basurang hindi nakokolekta at pinagmumulan pa ng sakit. Gabundok ang mabahong basura sa Quiapo at Avenida at kahit saan ka lumingon.     

Wala ring maipagmalaking makabagong imprastraktura ang Maynila. Mataas at madumi pa rin ang baha kapag malakas ang ulan lalo na sa bandang Lagusnilad. 

Sa Manila Bay, kung hindi pa nagsimula ang DENR na linisin ito, pangit pa rin ang karagatan hanggang ngayon­. Nakakainis na nakakatawa ang utos ni Erap sa tauhan niyang magtapon ng basura sa Manila Bay para makunan siya ng litratong pinupulot ito. 

Ang Makati, Taguig, Mandaluyong at Pasig ay dina­rayo dahil  sa naggagandahang malls, restaurants at iba pang pook pasyalan.  Pero ang Maynila, pagkolekta lang ng basura, hindi pa maisaayos. Ang Rizal Park na dapat sana ay pinagmamalaki ng Maynila ay pinamamahayan ng iskwater pagsapit ng gabi. Pati ang Quirino Grandstand ay ganun na rin. Hayyzzz.

vuukle comment

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

NATIONAL­ MUSEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with