^

PSN Opinyon

Bill waiver ng Manila Water

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TAMA lang ang hakbang ng Manila Water na ilibre sa singil ang mga residente sa mga lugar sa Metro Manila  na malubhang apektado ng water crisis. Saklaw nito ang panahong naudlot ang daloy ng serbisyo ng tubig. Na­tural na mairita ang maraming consumers sa pangyayari, pero sino ba ang may gustong magkaroon ng krisis? Ang importante’y umaaksyon ang Manila Waters para maresolba ang problema. 

Nagkonsultasyon ang Manila Water at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ang bill waiver ay naaprubahan. Ipatutupad sa Abril para sa mga nakaranas ng kawalan ng tubig ngayong Marso. Ayon kay Ferdinand Dela Cruz, Presidente at Chief Executive Officer ng Manila Water, mababawasan na ang abala sa mga konsyumer dulot ng water interruption. Ang kabu­uang halaga ng bill waiver ay PHP150M. 

Sa ngayon, 97 porsyento ng mga consumer na ang may mas mahabang oras ng serbisyo ng tubig kasunod ng rotational supply scheme noong Marso 14.  

Kung maalala, bago makuha ng Manila Water ang east zone noong 1997, 26 porsyento lang ng populasyon sa lugar ang may 24 oras na serbisyo ng tubig. Kasi, may tagas sa mga luma at kalawanging tubo. Talamak ang meter tampering, at ilegal na koneksyon kaya kontaminado at nagdudulot ng sakit ang tubig na nakarara­ting sa con­sumers.

Kaya nabuo ang Concession Agreement. Ipinasa  ng MWSS ang operasyon sa Manila Water. Simula 1997, ang mga residente sa east zone ay nakaranas ng pagbabago sa serbisyo sa hakbang ng Manila Water na pahu­sayin ang serbisyo at bawasan ang system losses. Mula sa pagbabahagi lamang ng 440 milyong litro kada araw noong 1997, nabawi ng Manila Water ang water losses at dahilan ito upang maibahagi ang 1.3 bilyong litro ng tubig kada araw sa 6.8 milyong mga residente.  

Mula rito, halos 1.8 milyong residente galing sa mahihirap na komunidad ang nabigyan ng access sa malinis at abot kayang tubig sa pamamagitan ng programa ng kumpanya na Tubig Para Sa Barangay.

vuukle comment

MANILA WATER

WATER CRISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with