^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Saan napupunta ang mga nakukumpiskang shabu?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Saan napupunta ang mga nakukumpiskang shabu?

NABABAHALA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sapagkat ang apat na international drug syndicates ay nag-ooperate sa bansa. Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, ang apat ay ang United Bamboo Gang, Sinaloa drug cartel, African drug syndicate at Golden Triangle syndicate.

Kaya pala bumabaha ang shabu, cocaine at ecs­tasy sa bansa ay dahil apat na source nito. May ka­twirang mabahala ang PDEA. Pati sa dagat ay lumulutang ang cocaine at hanggang ngayon, may nasasagip pa ang mga mangingisda. Halos araw-araw din ay may naaarestong Chinese national at nakukumpiskahan ng daang kilo ng shabu.

Noong Biyernes, nakakumpiska ang PDEA ng 276 kilos ng shabu sa Manila International Container Port. Galing ang shabu sa Vietnam at nagkakahalaga ng P2.5 bilyon. Ang nakumpiskang droga ay walang ipinagkaiba sa nakumpiska sa Ayala-Alabang Village sa Muntinlupa noong nakaraang linggo na nagkakahalaga rin ng bilyong piso.

Hindi lamang shabu at cocaine ang bumabaha kundi pati ecstacy. Noong nakaraang linggo napatay ng PDEA agents ang bigtime supplier ng ecstacy sa Metro Manila. Nakipagbarilan sa mga awtoridad si John Steven Pasion nang salakayin ang unit nito sa isang condominium sa Sta. Cruz, Manila. Si Pasion ang taga-supply umano ng ecstacy sa mga artista.

Isang malaking katanungan naman ngayon kung saan napupunta ang daan-daang kilo ng shabu na pinipresenta ng PDEA sa media. Itinatago ba nila ito para gawing ebidensiya. Napakarami naman yata ng daang kilo ng shabu para itago. Dapat nililinaw ng PDEA kung saan dinadala o ano ang ginagawa sa mga nakukumpiskang shabu.

Mas mainam marahil na tunawin na kaagad ang mga shabu at iba pang nakukumpiskang droga para hindi ma-recycle. Marami nang pangyayari na ang mga nakukumpiskang droga ay ibinabalik sa kalye ng mga corrupt na drug enforcers para pagkakitaan. Nangyari na ang ganito sa NBI noon kung saan ang mga nakumpiskang droga ay nawala at ni-recycle. Nangyari rin ito sa MPD kung saan may mga pulis na nire-recycle ang mga nakukumpiskang droga. Maraming pulis ang biglang nagkaroon nang mala­laking bahay at sasakyan dahil sa drug recycling.

Kapag hindi natigil ang gawaing ito, sayang ang kampanya ni President Duterte sa illegal na droga. Nagbanta pa naman siya na ang huling tatlong taon niya sa puwesto ay magiging mabangis laban sa drug traffickers.

vuukle comment

AARON AQUINO

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with