Pumatay sa bata sa Naic, isinalba ni Sen. Kiko!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2019 - 12:00am

NITONG Lunes ng hapon sa digital streaming ng BITAG-Kilos Pronto ay naipalabas namin ang isa sa mga suspek na pumatay sa 5-taong gulang na bata sa Naic, Cavite.

Kasama ang nakatatandang kapatid na babae at bayaw ng 16-anyos na suspek, nakipila ito sa aming action center.

Sa dahilang sila lang ang nakakaalam, gusto nitong kay BITAG lang sumuko. Katabi ang kanyang ate, umamin siya sa akin na siya ang nakapatay sa paslit na biktima sa pama­magitan ng pagsakal.

Buwisit man ako sa suspek dahil sa kanyang karumal-dumal na krimeng nagawa, isinalba siya ng gunggong na batas ni Sen. Kiko Pangilinan!

Sa payo ng aming resident lawyer na si Atty. Melanio “Batas” Mauricio Jr., kinakailangang i-turn over ang batang suspek sa opisina ng Department of Social Welfare and Development kung saan nangyari ang krimen.

FYI, ginawa ng BITAG ang lahat na legal at tamang proseso sa sensitibong kaso na ito. Noong mga oras ding ‘yun ay kumilos kami’t nakipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Una, matapos ang airing ng BITAG-Kilos Pronto ay agad kaming nakipag-ugnayan sa DSWD Main Office, tumanggi itong isuko sa kanila ang suspek noong gabing ‘yun at pina­yuhan kaming sa CSWD ng Naic, Cavite dalhin ang bata.

Ikalawa, nang kontakin ng BITAG ang CSWD ng Naic Cavite, sinabihan ang aming grupo na kinabukasan na lamang ito isuko at ‘wag ng gabing ‘yun.

Ikatlo, sa puntong ito ay tinawagan na ng BITAG and Cri­minal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame. Subalit sa hindi maipaliwanag na rason, ewan ko kung bakit pinayuhan kami ng mga operatiba na mas maganda at ligtas na isuko ang suspek sa National Bureau of Investigation o NBI.

Walang inaksayang segundo ang grupo ng BITAG, sa tulong ni NBI-NCR Agent Henry Roxas ay agad na tinanggap ng departamento ang pagsuko ng suspek.

Habang isinusulat ang kolum na ito, nasa tanggapan ng DSWD-NCR ang mga ahente ng NBI kasama ang menor-edad na suspek.

Napag-alaman din na wala pang pormal na kasong naisasampa laban sa kaniya. Kaya’t lehitimong hahawakan ng NBI-NCR ang kasong ito kung saan ipatatawag din ang pamilya ng batang biktima para sa pormal na reklamo.

Eto ang kagunggungan ng batas ni Sen. Kiko, ang Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice Welfare Act, protektado at hindi pwedeng ikulong ang mga batang may edad 15 pababa kesehodang karumal-dumal na krimen ang nagawa nila.

Sa kasong ito kung saan ang umamin at sumukong batang kriminal ay 16-anyos, ayon sa estupidong batas din, ay kailangang patunayan pa ng DSWD na may “discernment” o pag-unawa na ang suspek sa kaniyang ginawang krimen.

Tila nais sabihin ng probisyon na wala pang isip o mangmang ang mga kabataang edad 16 hanggang 18. Na hindi pa alam ng ganitong edad ang tama sa mali at kung ano ang krimen o hindi… nuknukan ng estupido!

O ayan Senator Kiko, may naisalba na namang batang kriminal ang batas mo!

BITAG-KILOS PRONTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with