^

PSN Opinyon

Pabor lahat sa China?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

OKEY lang daw kung gawing kolateral ang mga langis at natural gas sa Reed Bank, para sa uutangin mula sa China para sa Chico River Irrigation Project. Nasa $62 milyon lang naman ang uutangin sa China. Ito ang mga pahayag ni Salvador Panelo. Ganyan naman talaga kapag umuutang – ang nagpapautang ang nagdidikta ng mga kondis­yon. Pero wala naman daw dapat ikabahala dahil daw marunong magbayad ang Pilipinas ng utang. Nagbabala kasi si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa nasabing kondisyon. Justice lang naman siya ng Supreme Court ng Pilipinas, hindi ba?   

Napakadaling sabihin niyan, na magaling magbayad ng utang, hanggang sa hindi na nga makabayad. Isang okasyon lang naman ang kailangan para masira ang katangian na iyan. Siguradung-sigurado ba ang administrasyon na makakabayad ang Pilipinas ng utang, sa mga darating na taon? At ito ba ang unang beses na ginamit ang likas na kayamanan ng bansa bilang kolateral sa utang? Alin pa kayang likas na kayamanan ang itinaya ng administrasyon, para makautang sa China? Parang napakadaling itaya ang mga likas na kayamanan natin.

Puro paliwanag ang ginagawa ng Palasyo at Cabinet ngayon kaugnay ng Kaliwa Dam at Chico River Dam pro­ject. Wala raw problema ang mga kontrata, makakabayad ang bansa ng utang, at hindi umano itinataya ang likas na kayamanan ng bansa. Pero bakit napaka-kontrobersyal? Bakit maraming tanong sa mga kondisyon, kung walang dapat ikabahala, ngayong isinapubliko na ang mga kontrata? May kasabihan na kapag may usok, may sunog. At napakaraming usok ang lumalabas kaugnay ng 2 proyektong ito, na tila minamadaling ipatupad na ng gobyerno.

Hindi raw papayag ang anumang negosyo sa mga kondisyon na nakalatag sa mga kontrata ng Kaliwa Dam at Chico River Dam. Dehadung-dehado umano ang bansa, at lahat naka-pabor sa China. Pero handa na rin ang sagot ng gobyerno riyan, na siyang sagot din sa kahirapan ng mga mangingisda sa kamay ng mga barkong China sa Panatag Shoal – “Anong magagawa natin?” 

vuukle comment

ANTONIO CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with