Kailangan si Bato sa Senado
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

INIHAYAG ni NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar na kailangan sa Senado si Bato dela Rosa para magamit ang kahusayan nito sa pagsugpo ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pagbalangkas ng mga batas na susupil sa mga matigas na ulo na ayaw tumigil sa pagtutulak. Nababahala si Eleazar dahil maging ang mga estudyante sa mga exclusive na paaralan sa Metro Manila ay napasok na rin ng droga. Kamakailan lang, dalawang binatilyong estudyante mula sa Dela Salle University ang nahuli ng PNP dahil sa  pagtutulak ng droga. Isa’t kalahating milyong piso na halaga ng ecstasy at shabu ang nakuha sa condo ng isa, habang yung kaibigan at kasama niya sa pagbebenta ng mga ilegal na droga, na ka-text ng naunang suspect ay nahuli sa follow up operation.

Ayon kay Eleazar, marapat ng magsagawa ng random check ang Department of Education (DepEd) sa mga eskuwelahan sa mga gamit at bag ng mga estudyante, Lalo na sa mga mabababang antas kung saan nagsisimula ang paggamit ng droga. “Hindi naman kami ang mag-iinspeksyon kundi ang mga guro rin. Back up lang kami kapag may natumbok sa mga bata. Mga expert sa bata sa hanay namin ang mag-iinterview sa mga bata, upang huwag ma-trauma ang mga ito,” sabi ni Eleazar. Dagdag pa niya ,”Pag-upo ko pa lang sa puwesto ko sa NCRPO, iyan na ang isang pinakamahalagang adbokasiya ko --- na magkaroon ng random check sa mga estudyante at mga gamit nito, upang mahadlangan ang pagpasok ng droga sa mga eskuwelahan.” 

Ngunit walang nangyari sa panawagan ni Eleazar sa DepEd. Mistulang inutil ang DEPED sa lumalaganap na droga sa mga eskuwelahan. Tila natatakot ang DepEd na gumalaw dahil takot masagasaan ang mga karapatang pambata. Paano na? Basta ba pababayaan malulong sa ilegal na droga ang mga anak natin? Naisip ko na isang araw baka umuwi na lang ang anak ko na may dalang illegal na droga, nakakatakot. Kaya naisip ko na lubhang kailangan natin ang tulad ni Bato sa Senado kasama ang iba pang expert sa illegal na droga para mapagtulungan ang pagsugpo nito. Kung hindi, baka isang araw, kalahati ng mga kabataan ay adik na. 

Si Bato ang nagsimula ng laban sa illegal na droga. Expert siya kaya kailangan natin siya sa Senado. Kailangang may katuwang ang DepEd sa Senado upang makagalaw sila sa paglaban sa illegal sa droga na hindi na lumalabag sa karapatang pambata. Tanging ang Senado ang makapag-aarmas sa DepEd na gumalaw nang tama. Sabi nga ni Bato, “Drastic situations need drastic measures. Hindi lang drastic ang sitwasyon natin. Desperate na.” Sa bandang huli, tayo ring mga botante ang makapagdidikta sa kinabukasan ng mga anak natin. Hindi lang ang DepEd ang nangangailangan ng isang Bato sa Senado kundi maging si Presidente Duterte at mga ahensiyang lumalaban sa illegal na droga. Kailangan ng ating bansa ang lalaban sa droga bago mahuli ang lahat.

GUILLERMO ELEAZAR ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with