EDITORYAL - Nakakatakot ang dulot ng plastic pollution
(Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:01am

PLASTIC pollution ang kalaban ng mundo nga­yon. Ang bagay na nilikha ng tao ay nagbibigay ng problema at pati mga lamandagat ay apektado na rin. Buong mundo na ang pumapasan at kung hindi makokontrol ang pagtatapon ng mga plastic, maaring masira na ang mundo.

Dahil sa maling pagtatapon ng basurang plastic, humahantong sa dagat ang mga ito at sa maniwala’t hindi, nakakain ito ng mga isda kabilang ang bal­yena. Marami nang nabalitang balyena na sumadsad sa dalampasigan at namatay. At nang suriin kung ano ang ikinamatay ng mga ito, napag-alaman na dahil sa mga nakaing plastic na basura. Iba’t ibang uri ng plastic ang nakuha sa bituka ng mga kawa­wang balyena.

Noong nakaraang Marso 15, isang balyena ang nanghihinang sumadsad sa dalampasigan ng Ma­bini, Compostela Valley. Kinabukasan, patay na ang balyena. At nang suriin kung ano ang dahilan ng pagkamatay, napag-alaman na dahil sa mga kinaing plastic ng basura na tumitimbang ng 40 kilos.

Sinuri ng marine biologist na si Darrel Blatchley ang tiyan ng balyena at na-shock siya sa nakita. Tumambad ang 16 na empty bags ng bigas, 4 na banana plantation style bags, at iba’t ibang plastic shopping bags. Ayon kay Blatchley, hindi siya makapaniwala sa nakita. Ito umano ang unang pagkakataon na nakakita siya sa tiyan ng balyena ng napakaraming plastic na basura.

Ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansa sa Asia na maraming plastic na basura. Nangunguna ang China at pumapangalawa ang Indonesia. Katiba­yan na maraming basurang plastic sa karagatan ng Pilipinas ay ang mga nakukuha sa Manila Bay na sa kasalukuyang nililinis.

Sa pag-aaral na ginawa, tinatayang 437 million hanggang 8.3 billion plastics ang inaanod sa mga coastline sa buong mundo. Sa baybaying dagat ng America, tinatayang 7.5 million plastics ang naka­tambak at maski ang mga namumuno roon ay problemado sa mga basurang plastic.

Iisa ang solusyon para mawakasan ang problema sa plastic pollution. Magkaisa ang mga bansa na ipagbawal ang paggamit ng plastic. Sa Bangkok, Thailand ipinatutupad na ang pagbabawal sa paggamit ng plastic bilang lalagyan ng mga gulay at iba pang grocery items. Sa halip na plastic, dahon ng saging ang ginagamit doon.

Puwede itong gawin ng mga bansa. Umpisahan na. Kung hindi ito gagawin, hindi lamang mga bal­yena ang mamamatay, pati mga tao

PLASTIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with