Angono Medics Hospital, napahiya sa BITAG at DOJ
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

HINDI na bagong reklamo ang pokus ko ngayon sa kolum na ito. Marami nang ospital ang nagmamatigas at naglakas-loob na bumangga sa BITAG.

Ang titigas ng mga bumbunan ng mga kolokoy na ‘to. Sinimulan ng mga barat sa Chinese General Hospital. Ngayon, Angono Medics Hospital naman. Sintigas ng se­mento kung umasta... lumambot nang makaharap ang BITAG. Either mga bobo, tanga, estupido o nagtatanga-tangahan lang. May mga utak naman pero hindi kinikilala ang Anti-hospital Detention Law. Sapilitang inipit ang kanilang pasyente. Hindi makalabas hangga’t hindi nababayaran ang hospital bill.

Nagreklamo sa aming tanggapan ang asawa ng bagong panganak na ina sa Angono Medics Hospital. Humingi na ng resbak makalabas lang ang kanyang mag-ina. Magkano lang naman ang utang sa ospital, ayaw pang pumayag sa matinong kasulatan. Mismong mayor na ng Angono, Rizal, tumulong na.

Naglabas na ng pera si Mayor Gerardo Calderon ma­tapos maawa sa biktima. Hindi pa rin nagpatinag ang mga lintik. Akala mo naman tatakbuhan. Mabuti pa si Mayor, may puso at malasakit sa mga pobre. Kayo diyan sa Angono Medics, nasaan ang puso n’yo?

Tatakutin n’yo pa kami sa mga abogado n’yo? Natamaan tuloy kayo ng suwerte… isang matinding summon mula sa korte. Nakialam na ang Department of Justice. Pahiya ang mga kumag… naipot sa karsunsilyo at nangamoy sa buong Angono.   

Ayaw n’yo pala ng santong dasalan. Madaan kayo ngayon sa utos ng hukuman. Bwahaha! Palabasin ang pasyente! Sa kasong ito, saludo kami kay Mayor Gerardo at sa judge na nagbigay ng release order. Ganyan ang aksyon, kilos pronto!

Kayong mga putok sa buhong ospital, makinig kayo. Ilang beses ba namin ididikdik sa inyo ‘to... bawal na bawal gawing hostage ang mga pasyente. Bawal ang bobo. Kapag nahuli namin kayong may iniipit na pas­yente dahil lang di makabayad, makakaharap n’yo kami. Taga n’yo pa sa bato.

ANGONO MEDICS HOSPITAL ANTI-HOSPITAL DETENTION LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with