Marami pang mapapatay na pulitiko, negosyante
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

BAGO pa magsimula ang election campaign noong Pebrero, marami nang pulitiko ang pinaslang ng mga katunggali. Sunud-sunod din ang mga negosyanteng pinatay ng mga kakumpetensiya. Sa huling pag-amin ng PNP Directorate for Investigation, halos 23,400 ang homicides mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2018. Kalahati lang nito ang nalutas; ibig sabihin, nakilala o nahuli ang isa man lang suspek at nasakdal sa korte. Isa sa bawat tatlo ay may kinalaman sa droga: away ng magkaribal na sindikato, hindi pag-remit ng perang droga, o “nilinis” ng vigilantes. (Bukod ‘yan sa 4,500 na napatay ng pulis na “nanlaban” sa drug raids at buy-busts.) Sa mga patayang nabatid ng pulis ang motibo, marami ay away-pulitika at negosyo, away-kalye at kapitbahay, away-lupa at pamilya, onsehan sa pera at selosan sa puso, at rebelyon.

Crime prevention at solution ang sukatan ng galing ng pulis. Pero hindi masawata ng election gun ban at checkpoints ang patayan. Kasi malimit ay walang patrulya, lalo na sa gabi, weekends, at holidays. At mapurol ang pulis sa responde at imbestigasyon, kaya mahinang lumutas.

Humantong na ang sitwasyon sa pag-ambush ng walong naka-motorsiklong de-baril sa isang patrol car. Dinisarmahan at pinaluhod ang dalawang pulis, habang pinagbabaril ang dalawang nahuling may tinatagong sandata. Kaaamin pa lang ng dalawa na hit men sila, pa-cell phone at motorsiklo, binabayaran nang P20,000 kada tira. Malamang na ang umatake’y mga gangster na nagpapatahimik sa kanila, o kaya’y vigilantes na naglilinis ng lipunan. Tulala ang mga heneral ng PNP.

Pinaka-maraming homicides sa Metro Manila, 4,231; Calabarzon, 3,094; at Central Luzon, 1,830.

Pinaka-konting nalutas ang Metro Manila, 32.43%; ARMM, 35.16%; at Central Luzon; 36.45%.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

HOMICIDES POLITICS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with