Reliable ba ang surveys?
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

RELIABLE ba ang mga political surveys? Iyan ang tanong ng barbero kong si Mang Gustin na masugid na fan at supporter ni senatorial bet, Bong Revilla. Sabi ko, ‘di naman talaga basehan ang survey para manalo sa halalan. May margin of error din kaya hindi sakto. Gayunman, totoong hindi maiiwasan na may mga mapapaniwala lalo pa’t pa­ulit-ulit. Mental conditioning kumbaga.  

 May mga alegasyon na may mga kandidatong gumagastos ng milyones para manguna ka sa survey. Pero  sa tagal ko sa industriya, hindi pa naman ito napapatunayan at patuloy pa rin sa dating gawain ang mga survey firm.

Sa kaso ni dating Sen. Bong Revilla, nakapako siya lagi sa gitna ng magic 12 bagamat sa mga campaign sorties, laging mala-superstar ang salubong ng mga tao sa kanya. Si Revilla mismo ay hindi naniniwala sa accuracy ng mga survey. Aniya, hindi naman nakakausap ang lahat ng botante ng mga nagsu-survey. Kung susundan sa social media ang galaw ng kampanya ni Sen. Bong halos lahat ng lugar na puntahan niya ay ramdam ang pananabik sa kaniya ng mga tao dahil hindi siya nakita sa mahabang panahon. Rock star welcome wika nga.

Ngunit mayroon ding grupo na walang ginawa kung hindi bantayan ang mga larawang kuha sa mga kampanya ni Sen. Bong. Nilalagyan pa ng mga mapaninirang caption.  Natukoy na ang grupong ito ng kampo ni Sen. Bong. Ito  pala ay grupo ng mga troll na pakawala ng mga kalaban ni Sen. Bong na hindi matanggap na napawalang-sala siya ng Sandiganbayan.

 Sa halip na kasuhan ay sinabi ni Sen. Bong na huwag na lamang pansinin ang mga ito dahil sa hindi naman naniniwala ang mga tao at sa halip ay tutukan na lamang ang kanilang kampanya. Iyan ang tamang attitude dahil totoo ang kasabihan na ang pikon talo.

Laging mainit ang pagtanggap kay Bong Revilla hindi lang ng mga tao kung hindi maging ng mga pulitikong nakakasakop sa lugar na kaniyang dinalaw ay nagpapahayag ng suporta. Dokumentado  ‘yan, pero sa mga survey, palagi na lamang siyang nasa gitna. Ang nangunguna ay ‘yung mga inaalisan ng mga tao kapag nagsasalita na sa entablado. 

Sabagay ilang survey firm lang naman ang ganito, marami namang nagpapa-survey, lalo na sa kampo ng mga kalaban na nangunguna si Sen. Bong, pero hindi nila inilalathala.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with