Walang lugar sa mundo
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

AGAD kumilos ang gobyerno ng New Zealand matapos ang madugong pagsalakay ng isang “white supremacist” sa dalawang mosque sa Christchurch noong nakaraang linggo. Apat­napu’t siyam ang namatay at marami pa ang sugatan sa nasabing krimen, na nakuha pa ng salarin na i-livestream sa internet. Kumilos si Prime Minister Jacinda Ardern na ipagbawal ang assault weapons sa bansa. Ito ang uri ng baril na ginamit ng salarin sa pagpatay.

Ayon sa CNN.com, maraming baril sa New Zealand. Pero sa panukala ni Ardern, ipagbabawal na ang mga uri ng baril na ginamit ng salarin, at baka bawiin na rin ang mga nabenta na. Ayon sa CNN, mabilis itong mangyayari dahil sa sistema ng gobyerno sa New Zealand, kung saan mas mabilis mapapatupad ang mga pahayag ng punong ministro. Ikinumpara ito sa US, na kahit ilang beses nang nagkaroon ng madugong barilan kung saan-saan, wala pa ring nagbabago sa kanilang “karapatan na mag-armas.” Malakas ang kapangyarihan ng mga kontra sa anumang re­gulasyon ng baril sa gobyerno, lalo na sa ilalim ni Pres. Donald Trump.

Wala talagang lugar sa mundo ang terorismo. At maituturing na terorismo ang pag-atake sa isang lugar ng pananampalataya. Ayon kay Ar­dern, haharap ang salarin sa buong kapangya­rihan ng batas. Dapat lang. Walang kalaban-laban ang kanyang mga biktima. Mga tumumba na pero pinagbababaril pa. Anuman ang kanyang paniniwala, pinatunayan lang niya na mali. 

Hindi ko maisip na ganito ang mangyayari sa New Zealand. Kapag nababanggit ang bansang ito, ang natatandaan ko ay ang mga sineng “Lord of the Rings”. Nasama na rin ang New Zealand sa kasamahan ng mga bansang nakaranas ng karahasan at terorismo. Nagkakaisa ang lahat para suportahan ang laban kontra tero­rismo.

WHITE SUPREMACIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with