Ahas sa garden (83)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2019 - 1:42am

HINDI nag-aksaya ng panahon si Manang, nagtungo sa kanyang kuwarto at kinuha ang cell phone. Idinayal ang number ni Sir Nath. Mayroon siyang number ni Sir na binigay mismo nito sa kanya. In case raw na mayroong mangyaring emergency habang wala siya rito sa bahay ay maaari siyang tawagan o kaya’t i-text. Ibinigay sa kanya ang number ilang buwan makaraang mamatay si Mam. Hindi lang niya alam kung yun pa rin ang number ni Sir Nath.

Pero ring nang ring lang ang CP ni Sir Nath hanggang sa marinig niya na “out of coverage area” ang number na tinatawagan. Ilang beses pa niyang sinubukan pero ganun pa rin.

Hinayang na hina-yang si Manang.

Kung i-text kaya niya ang nangyayari sa pool. Pero paano niya sasabihin kay Sir? Baka mahirapan siyang ipaliwanag. At saka ang dami niyang sasabihin.

Sa huli, ipinasya niyang huwag i-text. Susubukan na lang niya uli na tawagan at baka puwede na si Sir Nath. Baka masyado lang malayo ang kinaroroonan nito. Baka nasa isang conference sa malayong lugar.

Ipinasya ni Manang na bumalik sa bintana para tingnan ang ginagawa nina Alexis at Brenda.

Pero nagulat siya sapagkat wala na roon ang dalawa!

Saan nagpunta ang mga iyon?

(Itutuloy)

AHAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with