^

PSN Opinyon

Hinalay ng faith healer

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

MATAPOS magsumbong sa kanyang kapatid na lalaki at biyenan, nagsampa ng kasong rape si Lily kay Pedring pagkaraan ng isang araw at kalahati o mahigit 36 na oras na mangyari ang panggagahasa. Sinuri si Lily ng isang neuro-psychiatrist at isang espesyalista sa pamamagitan ng pap smear at kinumpirma nila ang masaklap na sinapit ng babae. Sa kabilang banda, ginamit na depensa ni Pedring na walang bakas ng semilya niya na nakita sa katawan ni Lily. Idagdag pa na ginusto naman daw ng babae ang nangyari.

Hindi nakumbinsi sa palusot ni Pedring ang korte at hinatulan siya ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakulong at pinagbabayad ng danyos. Nang umakyat sa Supreme Court ang kaso ay pareho pa rin ang naging hatol. Ayon sa SC, hindi sapat na dahilan ang kawalan ng spermatozoa bilang basehan na hindi ginahasa ang biktima. Sapat na raw ang 36 na oras para mamatay ito. Base sa opinyon ng mga dalubhasa, hindi tumatagal ang semilya ng lalaki ng higit sa 24 na oras. Kung titingnan din, baka dahil sa edad ni Pedring na 58-anyos ay wala rin siyang semilyang nailabas. Puwede rin na nahugasan ang bakas nito nang maligo si Lily para mapigil ang posibilidad na magbuntis at magbunga pa ang nangyaring panggagahasa.

Ayon sa SC ay walang pag-aalinlangan na ginahasa ni Pedring si Lily dahil ginawan niya ng paraan na hindi makapanlaban ang biktima. Hindi kailanman pumayag si pobre sa masamang tangka ni Pedring at agad pa nga na lumayo nang mag-umpisa na ang buhong sa paglamas sa maseselang parte ng kanyang katawan.  Galit din niyang tinanggihan ang kahayupang inaalok ng manyak na lalaki. Kung talagang pumayag si Lily sa nangyari ay bakit pa siya nagsumbong sa kanyang biyenan at kapatid na lalaki. Siguradong alam ng biktima na matapos magsampa ng reklamo ay susuriin siya ng doktor at walang alinlangang pagpipistahan ng publiko ang kanyang sinapit. Siguradong makakaladkad ang kanyang dangal at reputasyon habang nililitis ang kaso. Mas matimbang ang kredibilidad ni Lily at wala siyang anumang motibo para yurakan ang sariling pagkababae (People vs. Bautista, G.R. 49778, January 27, 1981).

vuukle comment

FAITH HEALER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with