^

PSN Opinyon

Anomalya sa E. Samar Provincial Hospital pakisilip

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKAKALUNGKOT itong nag-viral na video ng isang mahirap na pasyenteng babae na niresetahan ng isang doktor sa Eastern Samar Provincial Hospital ng gamot na makukuha sa parmasya ng pagamutan. Ngunit sinabihan siya sa naturang parmasya nawala pang budget sa gamot na kailangan niya.

Tawag pansin ito kay Eastern Samar acting Governor­ Marcelo Ferdinand Picardal. Bakit sinasabing walang pera gayung base sa mga dokumento ay may badyet naman? Kawawa ang mga pobreng pasyente sa lalawigan na walang maaasahang gamot sa kanilang ka­ram­daman.  

Binilinan na lang ang pasyente na bumili sa pribadong botika at saka na lang ibabalik ang ginastos. Walang nagawa ang pasyente kundi bumili sa labas pero sa kasamaang palad, tatlong buwan na ang lumipas ay hindi pa rin na-reimburse ang ginastos niya.

Pero ayon sa ating source na nagbigay sa atin ng mga dokumento, hindi totoong walang budget ang ospital para sa mga mahihirap na pasyente para sa taong 2018. Kabuuang P8 milyon ang pondong ito na may dagdag pang P15 milyon mula sa tanggapin ng Governor.

Marahil dapat tanungin si Gob - nasaan ang perang inilaan sa kalusugan ng mga kababayan nating maralita? Walang ibang masasandalan ang mga mahihirap sa kanilang mga pangangailangan kundi ang gobyerno? Nasaan ang pondo?

Kanino bulsa napupunta ang mga kinukuhang reimbursements ng mga pasyente na bumibili ng gamot sa labas? Anang ating impormante, ito na ang naging kalakaran sa ospital simula pa nang maupong gobernador si Picardal. Kuwestyonable rin ang food provision sa provincial hospital. 

Base sa Department of Health Administrative Order No. 2016-0020, ang bawat pasyente ay paglalaanan ng P150 kada araw o P50 per meal.  Ngunit ayon sa dokumento ng nakuha natin,  ang actual budget na ini-release sa pagamutan ay P130,000  kada buwan para sa 3,418 pasyente. Dapat silipin ng mga kinauukulan ang iregularidad na ito at parusahan ang dapat managot.

vuukle comment

AL G. PEDROCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with