EDITORYAL - Bitay na ang kailangan
(Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MARAMING rapists, drug traffickers at terrorists­. Wala na silang kinatatakutan ngayon. Iniisip­ marahil nila, mahuli man, makukulong lang at ma­aari pa silang makatakas kapag nasuhulan ang mga taga-bantay. Mayroon lang pera na pantapal sa mga corrupt na jail officials, makakalaya na sila. Ang ka­walan ng mabigat na parusa gaya ng lethal injection, hanging at firing squad ang dahilan kaya mara­ming rapists, drug traffickers at terrorists. Subukang may bigtihin na drug trafficker o rapist at tiyak na mababawasan ang problema. Kahit sumampol lang ng 1 drug trafficker para makita ang epekto nang mabigat na parusa.

Wala na talagang pagkatakot ang drug syndicates ngayon. Araw-araw ay mayroong nakukum­piskang shabu. Bumabaha ang shabu kahit saan. Pati sa mga mayayamang subdibisyon gaya ng Ayala-Alabang sa Muntinlupa ay maraming shabu. Noong Martes, nakakumpiska ang PDEA ng 166 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.1 bilyon sa isang bahay sa mayamang village. Arestado ang dala­wang Chinese drug traffickers.

Wala nang takot ang mga rapist. Kahapon, na­aresto na ang mga rapist ng 16-anyos na babae sa Tondo. Halinhinang ginahasa ang babae makaraang painumin ng pampahilo na ayon sa mga pulis ay valium. Kinunan pa umano ng video ang ginagawang panggagahasa.

Ilang linggo na ang nakararaan, isang 16-anyos ding babae ang ginahasa at pinatay sa Lapu-Lapu City, Cebu. Pagkaraang gahasain at patayin, bina­latan pa ang mukha ng kawawang babae. Pati ang lamanloob nito ay kinuha rin. Dalawang suspects na ang naaresto.

Wala na ring takot ang mga terorista na nagta­tanim ng bomba sa mga matataong lugar. Pati sa loob ng simbahan ay nagpapasabog dahilan para marami ang mamatay.

Kailangan na ang bitay sa panahong ito na wala nang takot ang mga rapist, drug traffickers at tero­rista. Ito lamang ang nakikitang solusyon ngayon. Masyado nang matapang ang mga gumagawa ng masama at dapat na itong maputol.

DEATH PENALTY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with