Iluklok ang nararapat sa puwesto!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

YOU are who you elect. Sinabi yan ni Pres. Rodrigo Duterte and I agree with this statement 100 percent.

Makikita ang karakter ng isang indibidwal sa kung sinong pulitiko ang piliin nito. Malalaman kung matalino ang isang botante o nagpapadala lang sa popularidad. Kung matalino ba ang kursunadang iboto o ‘yung mga tipikal na trapo. Si Juan Dela Cruz ba ay isang respon­sableng mamamayan at botante? O sunod na lang sa uso at hindi na nag-iisip?

Hindi nalalayo sa katagang “you are what you eat.” Kung anong pagkain ang ipasok mo sa katawan mo, siya ring makakaapekto sa kalusugan mo. ‘Pag puro basura at junk food ang madalas mong lantakan, ‘wag mo asahang magiging healthy ang iyong katawan. Pareho sa pulitika, kung basurang pulitiko ang ibinoto mo, magkakalat lang din ‘yan sa departamentong pinaglulukan sa kaniya.

Parang ‘yung isang senadorang pinasaringan ng Presidente na kailangan na nito ng abogado bago pa ibuka ang kaniyang bibig para hindi siya magmukang tanga at walang alam kapag nagsalita na. Wala kasing alam itong pulitiko na ‘to kundi mag-ugaling aktibista. Panay kontra, panay dada, hindi naman pala alam ang pinagsasabi. Mga boss, mag-ingat kayo rito. Nakasalalay at nasa inyong kamay ang ikagaganda ng inyong lokal, bayan, o siyudad. Iboto ang kandidatong may sapat na kakayanan, talino, abilidad, talento at pagmamahal sa bayan. ‘Yung totoong naglilingkod at hindi lang puro diarrhea sa bibig… hindi mapigilan ang pagbula ng bunganga sa madla. 

Sabi nga ng isang tumatakbo sa pagka-senador, iwasan ang mga bobo! Hindi ako nagsabi nito ha. Batu-bato sa langit. ‘Wag nating iluklok ang mga trying hard at mga semplang. Mayroon ngayon na nakaupo, reyna ng sablay­. Puro dada, semplang naman ang mga pinagsasabi. Kung ano ang laman ng utak, iyon din dapat ang laman ng puso. Sincere at hindi pakitang tao. Layuan ang mga kandidatong naghimas-rehas na at ‘yung uugud-ugod na dapat namamahinga na lang. Damay pati ‘yung mga nag-iinar­teng artista na wala namang alam. Kung ikaw ay may talino at talento, gamitin at piliin ang tama. Maliban na lang kung ikaw ay nasilaw na sa kulay ng salapi. Pinagbili mo na ang boto mo at hindi ka na karapat-dapat bumoto. Ang mga ganitong tao, tamaan sana ng kidlat! 

Wala akong iniendorso sa kolum na’to. Ang gusto ko lang iparating, iluklok ang mga taong nararapat sa puwesto.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with