EDITORYAL - Hindi sapat ang ‘sorry’ ng Manila Water
(Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

NAG-SORRY ang Manila Water Co. sa publiko na naapektuhan ng shortages mula pa noong Marso 6. Isinalang sa pagdinig ng House of Representatives ang president at CEO ng Manila Water na si Ferdinand Dela Cruz. Giniling siya ng mga mambabatas sa nangyaring shortages ng tubig sa east sector ng Metro Manila na kinabibilangan ng Mandaluyong, Pasig, Taguig at maraming bayan sa Rizal. Dahil sa kawalan ng tubig, marami sa mga estudyante ang hindi pumasok sa kanilang klase. Hindi sila makapagligo dahil sa kawalan ng tubig at walang magamit na panlaba sa kanilang uniporme.

Maraming mambabatas ang humiling na magbitiw sa puwesto si Dela Cruz. Lalo pang uminit ang ulo ng mga mambabatas nang tanungin si Dela Cruz kung magre-refund sila sa libong consumers dahil sa nangyaring shortages. Sagot ni Dela Cruz, hindi raw magre-refund at ang kanilang focus nga­yon ay kung paano mapapabilis ang restoration ng service sa kanilang consumers. Susundin daw nila ang prescribed process ng MWSS bilang regulatory office.

Sa tanong kung magre-resign siya, nakahanda raw siyang mag-resign pero nakatuon daw muna ang pansin niya ngayon sa pagpapanumbalik ng serbisyo sa mga apektadong consumers.

Maski ang hepe ng MWSS na si Patrick Ty ay hindi nakaligtas sa bangis ng mga salita ng mambabatas. Lalo na nang itanong kay Ty kung pagmumultahin ang Manila Water sa nangyaring shortages. Hindi raw maaaring pagmultahin sapagkat wala namang provisions sa kasunduan noong 1997 sa pagitan ng mga concessionaires. Bukod sa Manila Water, ang isa pang concessionaires ay ang Maynilad Water. Ang nakapagtataka, walang shortages na naranasan ang Maynilad consumers­ gayung pareho lang na sa La Mesa Dam sila kumu­kuha ng tubig. Malaking katanungan ang nangyaring shortages sa Manila Water.

Hindi sapat ang “sorry” ng Manila Water at dapat pang mahukay ang katotohanan, Dapat ding rebyu­hin ang provisions sa kasunduan sa pagitan ng MWSS at mga concessionaires kung bakit hindi puwedeng patawan ng multa ang mga ito sakali’t may pagkukulang sa serbisyo.

FERDINAND DELA CRUZ. MANILA WATER CO.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with