^

PSN Opinyon

Kanino mapupunta ang pabuya?

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG nahuli na ang pinaka-utak sa pagpatay kay Christine Lee Silawan ayon sa mga pulis at NBI, sarado na ang kaso. Ang tanong ko ngayon ay ito, kanino mapupunta ang P2 milyon na pabuya? Paghahatian ba ito ng pulis at NBI?  Sa aking pagkakaalam ang pabuya ay mapupunta lamang sa makapagtuturo kung sino ang suspect. Pero ang mga pulis at NBI ay kasama sa kanilang trabaho ang paghuli sa mga kriminal.

Kung tutuusin malaking halaga ang P2 milyon. Galing ang P500,000 sa isang retired American citizen at ang kabuuan ay galing kay Pres. Digong Duterte. Mabilis pa sa alas kuwatro na nahuli agad ang mga suspect at hindi na pinaabot ng isang linggo, buwan o taon ay sarado na ang kaso. Napapaisip tuloy ang inyong lingkod dahil na sa pabuyang nakalatag o sa utos ni Digong na tugisin ang mga suspect. Pinagsamang puwersa ng pulis at NBI. Malakas na puwersa pala sa pagsugpo ng krimen.

Maraming haka-haka ang lumabas sa balita nang mapatay ang dalagita. Meron mga kulto at meron ding sindikato na nangunguha ng lamanloob o impormasyon dahil ang ugat pala nito ay selos ng dating boyfriend ni Christine Lee Silawan. Ito sigurong suspect na boyfriend ng biktima ay durugista dahil muntik na niyang pagpira-pirasuhin ang katawan ng dalaga. Lango sa droga habang ginagawa ang krimen dahil malademonyo lamang ang makakagawa ng ganitong klaseng pagpatay sa biktima.

Bakit dinala sa DSWD ang suspect, akala ko ba 12 anyos pababa ang puwede sa DSWD. Ang suspect dapat ay ikulong sa Munti sa kasong murder at rape. Kaya nga napapanahon na ang death penalty. Ang mga istupidong senador ipasa na agad ang batas dahil marami­ nang nakapilang bibitayin.

vuukle comment

CHRISTINE LEE SILAWAN

RAPE SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with