^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming bayan na walang fire truck

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming bayan na walang fire truck

SUNUD-SUNOD ang mga sunog sa Metro Manila at iba pang mga lugar sa bansa mula nang pumasok ang Marso na tinaguriang “Fire Prevention Month”. Noong Sabado, isang sunog ang naganap sa Tondo, Manila na ikinaabo ng 150 bahay. Umano’y isang addict ang nagpasimula ng sunog. Nagkaroon din ng sunog sa Pateros, kung saan, 1 babae ang namatay at 2 ang nasugatan. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), 30 bahay ang nasunog.

Isa sa mga problema kapag nagkakaroon ng sunog ay ang kawalan ng fire trucks ng mga bayan at lungsod. Sa maniwala o hindi maraming ba­yan at lungsod ang wala ni isa mang fire truck kaya mala­king problema kapag nagkasunog. Dito sa Metro Manila, walang problema ang BFP sapag­kat lahat nang siyudad ay mayroong fire trucks. Kapag sumiklab ang sunog, mayroon agad rume­responde kaya napapatay agad ang apoy. Bukod sa fire trucks ng mga siyudad, marami ring fire volun­teers na rumeresponde kaya agad na na­aapula ang apoy.

Kaawa-awa ang mga bayan at siyudad na wala ni isa mang fire trucks. Hihintayin na lamang na lamunin ng apoy ang kanilang mga ari-arian. Pagmamasdan na lamang nila ang pagtupok sa mga pinagsikapan.

Sabi ng BFP, 332 bayan at siyudad sa bansa ang wala ni isa mang fire trucks. Ayon sa BFP, nangu­nguna sa mga lugar na walang fire trucks ay ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na ngayon ay Bangsamoro ARMM. Pumapanga­lawa ang Eastern Visayas na mayroong 26 na firetrucks; pangatlo ang Central Visayas, 24; Northern­ Mindanao, 23 at Ilocos Region at Zamboanga penin­sula na may 22 fire trucks.

Ayon pa sa BFP, may mga fire trucks ang ilang bayan at siyudad pero karamihan sa mga ito ay sira at hindi maaaring gamitin sa biglang pangangaila­ngan. Umaabot umano sa 165 ang mga sirang fire trucks samantalang 97 ang nire-repair. Aminado ang BFP na kapos sila sa fire trucks pero darating na umano ang kanilang binili noong 2018.

Dapat ay magkaroon ng fire trucks ang bawat siyu­dad at bayan. Ito ang nararapat na prayoridad. Ka­pag apoy na ang puminsala, hindi lamang ari-arian ang mawawala kundi pati buhay. Iprayoridad ng pamahalaan ang pagkakaroon ng fire truck sa bawat lungsod at bayan.

vuukle comment

FIRE PREVENTION MONTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with