^

PSN Opinyon

Suspendidong recruitment agency, nakatikim kay BITAG

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

DOBLE-kalbaryo ang sinapit ng isang Pinay domestic helper sa Riyadh, Saudi Arabia. Sinasaktan at binebenta na ang pobre sa ibang employer, muntik pang halayin!

Nakarating na sa recruitment agency ang nangyari at mukhang hindi naman sila naalarma. Petiks lang na tila walang kapwa Pilipinong nanganganib ang buhay.

Nagpapasaklolo na ang pobreng OFW. Gustung-gusto­ nang makauwi sa ‘Pinas dahil ‘di na kinakaya ang narara­nasan sa abroad. Tumakbo na sa aming tanggapan at nag­reklamo ang nangangamba niyang asawa.

Sa pambansang sumbungan na lumapit dahil walang kuwenta ang agency ng OFW. Ang TMJ International Man­power Services. Nagmamakaawa na ang OFW, walang nangyari… walang nagawa.

Nakakainit ng ulo kapag ganitong klase ng sumbong ang iyong maririnig. Parang araw-araw na lang mayroong OFW na nangangailangan ng tulong. Kaya hindi na pinapansin ng mga sumbungan kuno dahil paulit-ulit na lang.

Para bang kasalanan pa ng mga OFWs dahil pinili nilang mangibang-bansa. Kahit kailan, hindi naging kasalanan ang makipagsapalaran sa ibang bansa. ‘Yun nga lang, nahuhulog sila sa bitag ng mga mapagsamantala.

Ibahin niyo ang BITAG Kilos Pronto. Hanggang may inaapi at inaabuso, may matatakbuhan kayo… ang pambasang sumbungan!

February 2018, pumunta papuntang Riyadh ang biktima para makapaghanap-buhay. Isang taon ang nakalipas, binenta na siya sa ibang amo. Bawal na bawal ito dahil breach of contract na agad.

Pinapalipat-lapit ng pagsisilbihan kaya kung saan-saan na napunta ang biktima. Ang mga manyakol na amo, pina­pasok pa ang kawawang Pinay sa kuwarto. 

Urgent dapat ang kaso nito pero mas pinili pa ng ahensya matulog sa pansitan. Walang kilos prontong naganap.

Nakausap namin sa telepono ang foreigner nilang tagapagsalita na ‘kala mo ay may diarrhea sa bunganga. Ang dami-dami pang pinagsasabi, wala namang solusyon na nabigay. 

Kung anu-anong echos na procedure ang pinagsasabi. Ang hinayupak, porket dayuhan kaya walang pakialam sa Pinay na manggagawa.

Nanganganib na ang buhay at maaaring mahalay anumang oras. Puro “procedure” pa rin ang alam na gawin. Pinalayas ko sa telepono ang aking kausap dahil tila hindi rin naman niya naiintindihan ang aking mga sinasabi.

Ang nakakatawa, siya ‘tong humiling na magsalita ako ng Ingles at ng pinagbigyan ko, hindi kami nagkaintindihan kaya sinopla ko na lang sa ere.

Malaman-laman namin suspendido pala ng POEA ang lisensya nitong TMJ International Manpower Services, siguro dahil sa mga kagaguhan nila.

Ngayon, nanghimasok na kami… katuwang ang OWWA. Gobyerno sa gobyerno na para mabilis… at para magliyab ang mga wetpaks ng agency na‘to at kumilos.

May surprise visit kami, hindi ‘to natatapos sa ganito lang. Ang part 1, uploaded na sa aming YouTube Channel, ang part 2, aba’y  abangan niyo!

 

vuukle comment

PINAY DOMESTIC HELPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with