^

PSN Opinyon

Jose Maria Sison, Pol Pot ng Pilipinas

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

INILALATHALA ko ito dahil kabilang ako sa maraming tutol sa pilosopiyang walang Diyos gaya ng Komunismo. Marami na ring ex-communist rebels ang natauhan. Ilan sa kanila ang lumulutang para hilingin sa pamahalaan at kay Pangulong Rodrigo Duterte na pabalikin ng bansa si Jose Maria Sison at panagutin sa mga krimen nito.

Anila, naniniwala silang hindi pa huli ang lahat para makamit ang katarungan kung pakikinggan ng pamaha­laan at igiit sa bansa na kumakanlong kay Joma na alisan na ito ng asylum.   

Kung patuloy na mamumuhay nang marangya at ma­laya si Joma sa kabila ng mga ginawa nitong krimen sa kilusang kanyang binuo, patuloy na darami ang mga Filipino na maloloko ng CPP-NPA-NDF. Si Joma ay tina­guriang terorista ng Pilipinas at utak sa paghahasik ng terorismo sa bansa. Inihalintulad siya sa malupit na pamu­muno ni Pol Pot, ang pinuno ng Kilusang Komunista ng Cambodia. 

Kung si Pol Pot ay kumuha ng lakas kay Prince Norodom Shihanouk— na sa huli ay kanyang niloko at ginawa na lamang na palamuti. Ginamit naman ni Joma ang mga Pinoy na nasa middle class. Kanyang binilog ang mga ulo at sa huli ay aagawan pa ng mga ari-arian.

Sa pamumuno ni Pol Pot,na tinaguriang “big brother number one” pinapatay niya ang mga miyembro ng Communist Party of Kampuchea na kanyang pinaghihinalaan ang katapatan dahil sa takot na mag-aklas ang mga ito, katulad din ng ginagawa ni Joma sa CTG kaya nagkaroon ng OPML sa Inopacan Leyte, AHOS.

Si Joma ang utak sa pinakamadugong EJK at purging sa kilusan o ang OPLAN Missing link. Ito ang nagbigay daan para madiskubre ng publiko ang mas marami pang purgings at killing fields ng CTG, na ang mga biktima ay silang inosenteng miyembro na inalay ang kanilang buhay sa kilusan. Lumabas na nasa  5,000 NPA/CPP members at kadres na ang naging biktima ng purging at mismong mga anak ng rebolusyun na pinapatay.

vuukle comment

JOSE MARIA SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with