Mabuhay ka, Gen. Romulo Emocling Sapitula
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2019 - 12:00am

IMPROVISE explosive nga kaya ang sumabog kamakalawa sa loob mismo ng Madison Garden Subdivision, Bgy. San Roque, Sto Tomas, Batangas na ikinawasak ng isang bahay at ikinamatay ng 2 tao. Malaki ang hinala na sa bahay na nawasak binubuo ang bomba nang sumabog ito. Iniuugnay ang pagsabog sa sunud-sunod na ang engkuwentro ng PNP at New People's Army sa Batangas. Dapat tutukan ni Sto. Tomas Police chief Lt. Col. Harold Depo­sitar ang nangyaring ito at dapat maging alerto sila upang mapigilan ang maitim na balak ng NPA.

Samantala, inaabangan ang paghahayag ni President Duterte sa nalalabing listahan ng mga narco politician. Palagay ko, may katotohanan ang listahan ni Duterte dahil kitang-kita naman ang ibidensya dahil malaganap pa rin ang droga sa kabila ng walang humpay na pagsalakay ng mga pulis. Nitong mga nagdaang araw lamang mga suki, tila umiba na naman ng estilo ang drug couriers. Sa mga condominium na ang bentahan upang makaiwas sa PNP at PDEA. Subalit walang usok na ‘di naaamoy kaya timbog ang drug couriers ganunman, ayaw pa ring ituga ang kanilang sources kaya mahirap pa rin sa mga raiding team na matukoy kung sinu-sino ang mga malalaking isda na nagpapakalat ng droga. Kaya ang pag-asa na lamang ng taumbayan ay ang listahan ni President Duterte na mailabas bago sumapit ang election 2019, kasi ito ang kanilang magiging giya upang maibasura ang kandidatura ng mga ito.

Sa Ilocandia, pinangunahan naman ni Police Regional Office 1 top cop Police Brigadier General Romulo Emocling Sapitula ang pagsunog sa may P2.5 milyong halaga na marijuana. Nakipagsanib ang operatives ng Sugpon Police Station, Ilocos Sur Provincial Intelligence Board, Ilocos Sur Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division PRO1 at second Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company sa PDEA RO1 para sa marijuana eradication bilang bahagi ng anti-illegal drug campaign sa rehiyon.

Magandang hakbang ang ginagawa ni Sapitula. Kung hindi matutukan ang marijuana sa Ilocandia tiyak na sa Metro Manila ito ibabagsak ng mga sindikato at maraming mabibiktimang estudyante. Kaya ang dapat sa marijuana ay sunugin na agad kapag nakumpiska upang hindi makalusot sa ilang pulis “anay”. Kung sabagay hindi naman kayang tawaran ang abilidad ni Sapitula pagdating sa trabaho. Kilala ko si Sapitula dahil matagal ko siyang nakasama sa Manila Police District. Action man siya at maraming nagawa sa pagpapaganda ng imahe ng PNP.

ILLEGAL DRUGS NEW PEOPLE'S ARMY PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with