^

PSN Opinyon

Hinalay ng faith healer

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

KAKAIBA ang kasong ito ng rape. Madalas sa kaso ng rape ay ginagamitan ng puwersa, dahas o pananakot ang biktima at labag sa loob niya ang nangyari. Paano kung walang nangyaring pamimilit, pananakot o puwersa? Mapapatunayan pa rin kaya na hindi pumayag ang biktima sa nangyari? Ang tanong na ito ang sasagutin sa kaso ni Pedring.

Isang sikat na faith healer at manghuhula ang 58-anyos na si Pedring. Isa sa kumunsulta sa kanya ay si Lily, 33, isang dating beauty queen. Kasal kay Gino ang babae at may dalawang anak. Kasama ng kanyang biyenan ay kinunsulta ni Lily si Pedring dahil naghihinala siya na may ibang babae ang mister at nawalan na ng interes sa kanya.  May ritwal na ginawa si Pedring para raw mapigilan ang pagkahumaling ni Gino sa ibang babae. Sa loob ng dalawang araw, may pinainom siyang likido kay Lily.

Sa pangalawang araw, pinagdala niya si Lily ng hinubad at hindi pa nalalabhan na damit ni Gino para raw malinis ito mula sa masasamang nilalang. Sa pangatlong araw, dinala ni Pedring sa isang kuweba si Lily. Hinawakan niya sa maseselang bahagi ng katawan ang babae kaya umangal ito. Agad na tumayo at itinaas ang zipper ng pantalon. Galit niyang tinanggihan ang alok na pakikipagtalik ni Pedring.

Kapalit nito ay pinainom na lang ulit ni Pedring ng likido ang babae. Pumayag naman si Lily at ininom ang tinimplang gayuma. Agad siyang nahilo at nanghina. Mayroon siyang malay pero nawalan ng kontrol sa sarili. Nakuha ni Pedring ang gusto at nagawang pagsamantalahan ang pobreng babae.                                                                        (Itutuloy)

vuukle comment

FAITH HEALER

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with