^

PSN Opinyon

Si Lady ‘Bukbok,’ alyas Jovy at Mr. ‘Step-in’ (2)

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MISTULANG ‘Reyna’ kung umasta si Lady ‘Bukbok’ sa kanyang mga constituents dyan sa NAIA kaya naman maraming naangasan dito kapag dumarating lalo’t sakay siya ng kanyang brandnew SUV car with matching driver galing sa kanyang condo dyan daw sa may Serendra, Bonifacio Global City.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-iiyak like a ‘crying cow’ si Lady ‘Bukbok’ nang mabalitaan niya sa kanyang mga kasangga na pinitik siya ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Monday.

Buti nga!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat lang mabanatan iyan si Lady ‘Bukbok’ dahil sobra ang taas ng ere nito ngayon sa NAIA.

Sabi nga, walang sini-sino kahit mga amo niya, sinisira nito ang kredibilidad.

Naku patay!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkaterba ang nagtaasan ang kilay ng mabalitaan nila na sa Serendra ang condo ni Lady ‘Bukbok.’

Ang mahal ng renta dito paano kaya ito nagka-pitsa para mabayaran ang kanyang tinitirikan?

Sagot-sa pamamasahero ng mga grupo ng ‘turban.’ Hehehe!

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa dami ng pera ni Lady ‘Bukbok’ namimili pala ito ng kakabayo sa kanya.

Sabi nga, boyfriend!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Lady ‘Bukbok’ ay may lover boy ngayon na nilulunod niya sa pera para hindi siya iwanan dahil halos maloko ito sa kelot porke mas bata ng hindi hamak sa kanya at macho guwapito. Hehehe!

Kaya pala, malakas mamasahero si Lady ‘Bukbok,’ kasama sina alyas Jovy at Mr. ‘Step-in,’ dahil simple lang sila kung mag-swing?

Sino kaya ang mga handler nito sa paliparan at hindi pa nasisibak ang mga hunghang?

‘Ang problema lang kapag magkaharap sina Lady ‘Bukbok’ at ang Bf niya ay halos masuka ang huli dahil walang face value ang bebot.

Ika nga, hindi niya mai-display ni lover boy sa Makati, dahil pang palengke lang ang syota. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para hindi iwanan si Lady ‘Bukbok’ ng kanyang lover boy ay binili niya ito ng isang Honda CRV color white.

Ika nga, premyo ni lover boy sa pagtitiyaga sa kanya sa bed. hehehe.

“Maraming nagsusumbong sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil napakasama ng ugali ni Lady ‘Bukbok’ lalo’t nakatalikod ang sisiraan ng kredibilidad kaya naman ang mga kasamahan nito sa trabaho kung mahina-hina ay sibak sa paliparan,” sabi ng kuwagong nagpabaya sa facial.

Hindi biro ang mga tumatawag sa Chief Kuwago, na mga kasanggang dikit ng kamote para arborin si Lady ‘Bukbok’ at huwag nang banatan dahil naawa umano sila dito kasi lalo lang daw lumalaki ang pigsa nito sa katawan? Hehehe!

Abangan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with