^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Death penalty buhayin na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Death penalty  buhayin na

PALUBHA nang palubha ang mga nangyaya-ring krimen ngayon. Ginahasa na ang biktima ay pinatay pa! Mayroong hinoldap na ay pinatay pa! Wala nang kinatatakutan ang mga criminal at hindi lamang sa Metro Manila nangyayari ang mga karumal-dumal na krimen kundi sa mga probinsiya man. Karaniwan na lamang ang mga nangyayaring may ginahasa at pinatay na babae.

Pero sa nangyari sa Lapu-Lapu City, Cebu noong nakaraang linggo kung saan pinatay at ginahasa pa ang 16-anyos na taga-kolekta ng abuloy sa simbahan, nagpapakita lamang ito na wala nang kinatatakutan ang mga criminal.

Pinagsasaksak ang biktimang si Christine Lee Silawan makaraang gahasain. Pero hindi pa roon natapos ang kahayupan ng killers sapagkat binalatan pa ang mukha ng kawawang dalaga. Kinuha rin ang internal organs at pati taynga ng biktima. May mga sugat umano sa kamay at braso ang dalaga na palatandaang nanlaban ito sa mga lumapastangan.

Ayon sa pulisya, bago nangyari ang karumal-dumal na krimen, nakitang may kausap sa cell phone ang dalaga. Kinabukasan, dakong alas sais ng umaga, natagpuan ang kanyang bangkay sa isang liblib na lugar.

Ngitngit na ngitngit si Pres. Rodrigo Duterte at ipinag-utos ang manhunt sa killer-rapist ng dalaga. Makalipas ang isang araw, nadakip ang suspect sa Davao na nakilalang si Jonas Bueno. Suspect din ito sa pagpatay sa isang 60-anyos na lalaki. Hinihinalang nasa impluwensiya ng shabu si Bueno nang isagawa ang karumal-dumal na krimen sa dalaga. Umano’y miyembro rin ng isang kulto si Bueno. Itinanggi naman ng suspect ang akusasyon.

Panahon na para buhayin ang parusang kamatayan. Wala nang kinatatakutan ang mga criminal ngayon lalo na kapag nasa inpluwensiya ng droga. Panahon na para pag-aralan ng mga mambabatas na ibalik ang death penalty law hindi lamang sa mga nanggahasa at pumatay kundi maging sa drug traffickers.

vuukle comment

CRIME

DEATH PENALTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with