^

PSN Opinyon

Mga anay sa PNP, dapat ipahiya sa publiko; CHR, shut up!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN lang naging malaking isyu ‘yung nangyari sa pulis na huli sa akto sa kanyang pangongotong. Nanggigigil habang kinukumpronta ni NCRPO chief Ge­neral Guillermo Eleazar ang kotongerong pulis sa harap ng media. 

Kapag may mga ganitong eksena lalo na’t kagagawan ng mga nasa panig ng administrasyon, nanghihimasok ang Commission on Human Rights. Siyempre, mawa­walan sila ng saysay kung wala silang masasabi. Eto ang sabi ng CHR, as usual, nalabag ang karapatang pantao ng suspek dahil ipinahiya ito sa media.  

 Ani Gen. Eleazar, nararapat lang na ipahiya ang mga pulis na kotongero. Kailangan nilang matuto at matakot na gumawa ng kasamaan para ‘di nadudungisan ang PNP, sa ganitong paraan ay hindi na sila gagayahin pa ng iba.

Ngayon, sa parteng ‘yan, hati ang reaksyon ng mga ma­mamayan. Maraming good reactions, marami ring hindi. Marami kasing nagtatanong kung bakit kailangang lumabas­ ang mga ganitong balita sa media? Natural. Media­ ang mata, taynga, at bibig ng taumbayan.

Epektibong instrumento ang media sa pagsisiwalat ng katotohanan at balanseng pamamahayag. Pinararating nina General Eleazar at PNP chief Oscar Albayalde na sinusuka nila ang mga anay sa hanay ng pulisya.

Oo nga, pamantayan ng CHR ang pagsasailalim sa due process bago akusahan ang suspek. Lagi na lang bang karapatan ng suspek? 

Eh, huling-huli na nga sa akto ng pangongotong, sabi nang caught red handed, pinagtatanggol n’yo pa? Jusmiyo­!

Marami namang matitinong pulis sa PNP. Pero saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ‘yung mga malalakas ang loob na gumawa ng kawalang hiyaan? 

‘Yang mga bugok na itlog at anay na ‘yan ang nagbi­bigay ng kahihiyan at sumisira sa organisasyon dahil sa kadupangan at kaswapangan nila. 

Itong public shaming na ginagawa sa mga siraulong pulis, ginawa ‘yan para matakot ‘yung iba pang nagbabalak na gumawa ng kalokohan.

‘Pag gumawa ka ng kasamaan, malilintikan ka. ‘Pag gumawa ka ng trabahong tama, pupurihin ka. That’s how simple it is. 

vuukle comment

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with