^

PSN Opinyon

Tricycle Magna Carta

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NAGTAGPO sa Cabanatuan, tricycle capital ng Pilipinas, ang dalawang pangunahing tagataguyod ng tricycle sa pamahalaan. Sina Senador Grace Poe at Kongre­sista Rosanna Vergara, kasama si Senador Nancy Binay, ang mga nanguna sa pagdinig kung saan pinakinggan ang hinaing ng mga kinauukulan tungo sa pagpasa ng kauna-unahang Magna Carta for Tricycle Drivers and Ope­rators.

Si Kongresista Vergara, ang masipag na kinatawan ng 3rd district ng Nueva Ecija, ang may akda ng panu­kala sa mababang kapulungan. Layon nitong alalayan ang libu-libong mga driver at operator ng tricycle, hindi lamang sa Cabanatuan, kung hindi rin sa buong kapulungan, na mabigyan ng mga benepisyo ang kanilang kinakailangan. Ka­sama ang iba pang mga proteksyon ng panukalang batas, masisiguro ang mas ligtas at mapa­yapang patakbo ng mga tricycle bilang paraan ng pamamasahe sa Pilipinas.

Kabilang sa benepisyo ay ang pagbigay sa kanila ng mandatory coverage sa SSS at sa Pag-IBIG. Mandado rin ang mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng mas simpleng proseso ng registration sa kanila. Kailangang mayroong One Stop Shop gaya rin ng inaalok sa ibang mga negosyong hinihingan ng lisensiya upang lahat ng pangangailangan ay masagot nang minsanan.

Magbibigay din ang gobyerno ng tricylce maintenance program at vocational education sa tricycle mechanics nang maging higit na maalam ang mga driver. Sisiguruhin ding may alam sila sa mga iba’t ibang batas na may kinalaman sa kanilang hanapbuhay.

Sina Senador Poe at Binay ang mga sumulong ng kanilang bersyon ng batas sa mataas na kapulungan. Walang kinaiba ang bersiyon ng Senado sa panukala ni Rep. Vergara. Ito ang unang pagkakataon sa kasay­sayan ng Cabanatuan at ng iba pang mga tricycle sa Pilipinas na mabibigyan ang sektor ng ganitong biyaya.

Ang batas na ito at ang magandang intensiyon ng mga nagpanukala ay pawang mabuting halimbawa ng pagtaguyod ng pamahalaan sa interes at kaligtasan ng maliliit. Regalo ito sa masang tumataguyod sa tricycle at sa mga operator at driver na naghahanap lang, kahit papaano, ng kung anong ayuda ang maibigay ng taumbayan.

 

vuukle comment

TRICYCLE MAGNA CARTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with