Paglilinaw
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2019 - 12:00am

NILINAW ni US Secretary of State Mike Pompeo na kapag sinalakay ang anumang barko o eroplano ng Pilipinas sa South China Sea, saklaw ito ng Mutual Defense Treaty (MDT) kaya ipagtatanggol ng US ang Pilipinas sa nasabing pagsalakay. Ito ang pahayag dahil sa sitwasyon kung saan inaangkin ng China ang halos buong karagatan. Nagpahayag din na sisiguraduhin ng US na malaya ang paglaya at paglipad sa rehiyon, sa kabila ng pagbabanta ng China kapag may barko o eroplanong pandigma na dumadaan sa “kanilang teritoryo”. 

Pero para kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nais pa rin niyang pag-aralan nang husto ang nasabing ka­sunduan, kung dapat bang “panatilihin, palakasin, o ibasura”. Dahil noong 1951 pa ipinatupad, baka iba na ang sitwasyon ngayon. Kung pakikinggan ang mga sa­lita ni Lorenzana, tila inuulit lang niya ang nais ni President Duterte na ibasura na. Wala namang kaaway nga­yon na sasalakayin o lulusubin ang Pilipinas, kaya bakit pa kaila­ngan ng proteksiyon ng US?

Dahil ba niyayakap na ni Duterte ang China kaya tingin ni Lorenzana wala nang kaaway ang bansa? Hindi na ba talaga kailangan ang tulong ng US kung sakaling kantiin ang mga barko o eroplano natin? Hindi kaya kapag nawala na ang kasunduang iyan ay mas magmamatapang na ang militar ng China sa lahat nang eroplano at barko natin, pati na rin sa mga islang hawak natin tulad ng Pag-asa at Ayu­ngin? Tuluyan kayang angkinin ang Scarborough Shoal at maglikha na rin ng isla, kapag wala nang bisa ang MDT?

Hindi pa natin alam kung ano na ang magiging sitwasyon kung sakaling ibasura na ang MDT. Kung may benepisyo naman para sa bansa, bakit ibabasura? Hindi kaya ang dapat gawin ay palakasin pa nga, dahil nga sa sitwasyon sa South China Sea? Baka dapat kasama na ang mga islang hawak natin, sa kabila ng alitan pa kung sino ang may-ari. Kung kaibigan naman ang US, bakit tila isinasantabi na ang pagkakabigan na iyan, partikular kung si Duterte ang tatanungin? Kung sa mga pagsusuri ay US pa rin ang pinagkakatiwalaang bansa ng karamihan ng Pilipino, bakit pinag-iisipan pang ibasura ang kasunduan? May kasabihan na kapag hindi sira, huwag ayusin, hindi ba? Labis na nakasasama ba sa bansa ang MDT? Ito ang mga dapat itanong, kung pag-aaralan kung may kaugnayan pa ang MDT sa bansa.

MIKE POMPEO MUTUAL DEFENSE TREATY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with