^

PSN Opinyon

Palpak na CCTV monitoring sa Mandaluyong City, Mayor Abalos gising

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGSUMBONG sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang isang senior citizen na lola dahil hinoldap siya habang naglalakad dyan sa may Shaw  Boulevard, Mandaluyong City, tanghaling tapat, ilang metro ang layo sa Jose Rizal University.

Ayon sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inakbayan ang lola ng isang damuhong kelot na nakasuot ng sumbrero at tinutukan daw ng kutsilyo ang kanyang baywang at pilit na kinuha sa kanyang handcarried plastic bag ang kanyang pitaka na naglalaman ng mahigit sa P3,000. Matapos makuha ang pitsa ay naglakad na lamang papalayo ang gago.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang perang nakuha sa lola ay malaking halaga para sa isang senior citizen dahil pambili niya ito ng gamot para sa kanyang karamdaman.

Nagreklamo sa Mandaluyong Police Station ang kawawang lola para ipagbigay alam ang ginawang panghoholdap sa kanya at umaasang makikita o makikilala ang demonyong holdaper sa pamamagitan ng mga CCTV cameras.

Ang siste, ang CCTV monitor na ipinakita sa kanya ng pulisya ay napakalabo at hindi maaninag ang mukha ng holdaper at pati ang mga naglalakad sa kalye. 

Sabi nga, kung malabo ang mata ng lola ay palpak naman ang CCTV sa Mandaluyong?

Naku ha!

Ano ba ito, Mayor Abalos?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung malinaw lamang ang CCTV camera sa pinangyarihan lugar ay makikita kung saan nagpunta ang holdaper na kumuha ng kanyang pera at baka mahuli pa.

Umalis na nakatunganga at nakanganga ang lola sa police station dahil para sa kanya ay walang pakinabang ang mga ito sa ginawa niyang reklamo.

Sabi ni lola, nawala na kasi ang body-body system ng pulisya na naglalakad sa kalsada para mag-monitor ng mga gagawa ng krimen.

Tinatawagan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang DILG at ang pamunuan ng PNP na pag-aralan ang pagtatalaga ng mga pulis sa kalsada.

Abangan. 

Bureau of  Immigration Warden’s Facility

CRYING like a cow umano ang ilang  foreign detainees dyan sa Bureau of Immigration Warden’s Facility sa Bicutan, Taguig City. Take note, SOJ Menardo Guevarra, Your Honor!

Bakit?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinira umano ang kanilang cellphones, laptop at pitsa, owned by detainees nang magsagawa ng pagsalakay ang mga autoridad dito last January afternoon?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ika nga, PNP at BI Civil Security Units daw ang sumalakay sa BI Warden’s Facility.

Bakit daw?

Hindi nagbigay ng ibang detalye ang mga asset basta ang isinusumbong lamang ay ang nangyaring ‘katukan’ blues ng mga gamit nila at pitsa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung pumasok sa facility ng mga banyaga ang mga autoridad para mag-inspeksyon ay walang masama dito pero kung may ibang ‘magic’ na ginawa sila, iyan ang dapat imbestigahan ng mga binukulan este mali kinauukulan pala?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang paggamit ng ibang foreigners ng cellphones sa loob ay hindi bawal, pinapayagan sila pero kontrolado ang oras.

Sabi nga, kahit maghapon sila magtatawag ay ok lang dahil alam nilang mga pamilya o Embahada nila ang kanilang kausap.

‘Sa gabi ay surrendered lahat ang cellphones sa mga BI authorities at binibigyan sila ng resibo. Sa umaga release lahat ang mga ito sa kanila.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sabi nga, hindi dapat kinukumpiska!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi rin dapat nililimas ang mga pitsa ng mga banyaga dahil ang iba sa mga ito ay nagpapabili o nagpapa-deliver ng tsibog kaya ang iba sa kanila ay may pera sa bulsa.

Ang walang pambili ng tsibog ay ‘manok’ ang ulam. Pinapakain sila ng bureau dahil may pondo para sa kanila ang gobierno regarding sa  pa-tsibog sa mga detainees.

Ika nga, P50.00 per day!

‘Alak at droga lang ang bawal sa facility pero sigarilyo o cellphones ay puede.’ sabi ng kuwagong binukulan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung totoo ang ginawang pagtira sa mga pitsa at gamit ng mga banyaga, ibang klase ito at malaking kahihiyan sa gobierno ng Philippines my Philippines.

Kung totoo man ito, hindi ito palalagpasin ni Boss Digong oras na malaman niya ang pangyayari.

Abangan.

vuukle comment

HOLDUP

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with