^

PSN Opinyon

Shawarma Shack, strike 2 na kayo sa BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa pala natatapos ang mga reklamo ng kadugyutan laban sa Shawarma Shack. Bago pa man ma-expose sa BITAG Kilos Pronto ang Shawarma Shack, patung-patong na reklamo na pala ang kanilang nakukuha sa mismong mga franchisee.

Dalawang franchise owners sa Isabela at Marikina, nag­reklamo dahil ‘di na alam ang gagawin. Ang mga produktong kanilang natatanggap, madalas ay sira at inaamag.

Nagsusumbong sa main office pero kilos pagong ang aksiyon ng pamunuan. Ang mga sirang produkto, hindi napapalitan – ang mga beef, nilalangaw at maasim na.

August 2018 ay may mga ganitong reklamo na. Nauna pa sa pinalabas naming reklamo ng isang empleyado ng Shawarma Shack noong November.

Kung anu-anong foreign matter ang nakikita sa kani­lang produkto. Nagagalit ang mga customer dahil may nakikitang mga buhok, wire at iba pa sa loob ng shawarma.

Ang sagot lang ng pamunuan ng Shawarma Shack… under investigation. Nagbagong taon na, wala pa ring aksiyon­.

Hindi kami naninira ng negosyo; kami ay patas at parehas. Totoong tao at hindi imbento itong mga nagrereklamo. Tinawagan namin ang Shawarma Shack para makuha ang kanilang panig, pero walang gustong magsalita.

Kapag ang isang produkto ay nalagay sa krisis, ang kum­­panya dapat ay damage control at damage repair agad. Lalo na kapag kilala ng publiko ang produkto. Dapat nga, bago pa man mangyari ang isang krisis, ginawan n’yo na ng hakbang.

Nakikinig ba kayong mag-amang may-ari ng Shawarma Shack? Walther at Boyet Buenavista, paiyak-iyak pa kayo sa aming studio. Mukha namang sarsuela lang itong ginagawa n’yo. Matapos namin maipalabas ang reklamo laban sa inyo noong Nobyembre, hindi nag-improve ang quality ng inyong produkto.

Masyado kayong abala sa inyong mga marketing blitz, pero palpak ang inyong kalidad at kalinisan. Dambuhalang mga billboard ang tinatayo n’yo EDSA, gamit pa ang mga sikat na artista.

Tingnang maiigi ang quality ng mga produktong pinabebenta sa mga franchisee. ‘Di kaya  biro ang halaga ng ginastos nila. 

Kapag ang pamunuan ay hindi nakikinig sa reklamo ng kanilang mga tumatangkilik, babagsak at babagsak ang negosyo. Mawawala ang tiwala ng mga tao.

Sa ibang mga franchisee na gustong magreklamo, bukas na bukas ang pintuan ng pambansang sumbungan, BITAG Kilos Pronto!

vuukle comment

BITAG KILOS PRONTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with