^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailangan, hindi corrupt na shelter program

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kailangan, hindi corrupt  na shelter program

MARAMING Pilipino ang walang maayos na taha­nan. Maraming nakatira sa mga pinagtagpi-tagping yero, plywood, sako at plastic at nakatirik sa pampang ng ilog, gilid ng estero at mga ilalim ng tulay at flyover. Sa loob nang mahabang panahon, hindi na nabago ang tanawin sa bansa na maraming giray-giray na bahay. Nagpapakita ito ng kahirapan ng bansa at nang hindi maayos na pamamahala sa shelter program. Nasasalamin din ang korapsiyon sa mga ahensiyang namamahala sa pabahay.

Bago ang EDSA revolution noong 1986 mayroong itinatag na ahensiya ang Marcos administration na Ministry of Human Settlements na pinamunuan ni dating First Lady Imelda Marcos. Layunin na magkaroon ng sariling bahay ang mamamayan at mapabuti ang kalagayan ng buhay. Pero hindi ito natupad sapagkat nabatbat ng katiwalian ang ahensiya. May mga naitayong housing projects noon gaya ng BLISS pero hindi mga mahihirap na walang bahay ang nakinabang kundi mga mayayaman din. Inakusahan ng corruption si Imelda at kanyang de­puty pero napawalang sala ng Sandiganbayan.

Nilagdaan kamakailan ni President Duterte ang Republic Act 11201 na nagtatatag sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Ang departamentong ito ang tanging mangangasiwa sa pabahay at pagpapaunlad ng mga naninirahan sa lungsod. Kabilang din ang community services na kinabibilangan ng edukasyon, kalusugan, kultura, libangan at nutrisyon. Lahat nang housing agencies na kinabibilangan ng National Housing Autho­rity, National Home Mortgage Finance Corporation, Home Development Mutual Fund at Social Housing Finance Corporation ay maisasailalim na sa DHSUD.

Ang pagkakatatag ng DHSUD ay nagbigay ng pag-asa sa mga mahihirap na magkaroon ng abot-kaya at desenteng tahanan. Hindi na dapat maulit ang nangyari sa nakaraan na pati ang mga ma­ya­yamang kaibigan ay nakinabang sa pabahay ng gob­yerno. Sa pagkakataong ito, nararapat siguruhin ng kasalukuyang administrasyon na walang corruption sa DHSUD at maidedeliber ang serbisyo sa mga walang sariling tahanan. Tapusin na ang mga pagpapahirap sa mga kawawa na naghaha­ngad ng sariling bahay at lupa.

CORRUPT

EDSA REVOLUTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with