^

PSN Opinyon

Nakipagsubukan sa pambansang sumbungan… negosyo, sarado!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HUWAG na huwag makipagsubukan sa nag-iisang pam­bansang sumbungan... ang grupo ng BITAG! Hindi kami mayayabang. May respeto ang aming grupo sa mga taong karespe-respeto. 

Sa ayaw n’yo o sa gusto, manghihimasok kami para ipagtanggol ang mga inaping empleyado.

Ipaglalaban namin ang karapatan ng mga empleyadong nagtatrabaho sa sinumang amo – maging Pilipinong employer ka man, Instik, o Arabo.

Kahit sinong Pilato, hindi makaliligtas. Lahat dapat susunod sa batas. Pag ang isang empleyado ay namasukan, kahit bilang katulong, entitled na sa SSS ‘yan. Sa unang buwan pa lang ng pagtatrabaho, may hulog na dapat ang kanilang SSS. 

Para sa oras ng pangangailangan, sila’y may mata­takbuhan. Irerehistro ang inyong tao, babawasan ang sahod, tapos ay tutumbasan n’yo ang contribution nila base sa sinasabi ng SSS. 

Ang sinumang lumabag sa batas, Republic Act 8282, ay makakatikim ng kasong kriminal. Ito ay salang may parusang kulong na 6-years to 12-years.

Itong kumpanyang Plasticon, walang karapatang mag-negosyo. Bastos na, mapagsamantala pa. Hindi sinusunod ang batas at harap-harapan ang ‘di pagbayad ng SSS.

Wala tuloy makuhang benepisyo ang tauhan nilang nadisgrasya. Naputol ang apat na daliri ng pobre at dapat lang na mabayaran.

Ayon sa SSS, P1,000 ang katumbas na halaga kada daliring naputol. Sa kabuuan, dapat P4,000 kada buwan ang makukuha ng nagrereklamo habang siya’y nabubuhay. 

Nang bisitahin ng BITAG, Caloocan BPLO at PNP ang Plastikon, humarang ang magulang ng may-ari at pinagdiskitahan agad ang aming grupo. Nagpakilala ng pagkatao at dinuro-duro ang mga staff ko. 

Binungad ang pagiging barumbado kaya tinapatan namin ang kanyang lengguwahe. Kapag lumabag kayo sa batas, gagamitin namin ang batas pati na ang tagapagpatupad ng batas.

Makakatikim din kayo sa amin ng leksyon na di niyo malilimutan. Di kami nananakot. Ganito lang talaga ang aming estilo – estilong naiiba at pilit ginagaya.

Pinasara pa rin ng Caloocan BPLO ang Plasticon dahil sa kawalan ng permit. Galawang kolorum… nag-ooperate ang mga putok sa buho nang patago. Walang nagawa ang pagtatalak ng nanay ng may-ari.

Sino ngayon ang susunod sa inyong mga sisiga-siga riyan? Ganito ang sasapitin n’yo kapag hinamon ang pambansang sumbungan.

vuukle comment

BEN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with