^

PSN Opinyon

Ugat ng usapan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS walang sawa at walang awang banatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang mga obispo at alagad ng Simbahan, nag-umpisa nang bumuhos ang mga death threat at iba pang banta ng karahasan sa kanila. Mismong si Cardinal Luis Tagle, Archbishop of Manila, ang kumumpirma.  Mula sa Roma, kasama ang iba pang mga Cardinal ng mundo na nakikibahagi sa Summit on the Protection of Minors in the Church, tinext ang Presidente at ipinagbigay alam ang natatanggap na pananakot ng mga pari.

 Siyempre, isinumbong ito kay PRRD hindi dahil rumeresbak ito at humihingi ng saklolo. Ang totoo ay pinapatotohanan lang ang masamang epekto ng pananalita ng Pangulo laban sa kanila – ang paghikayat na nakawan sila’t patayin. Maaring biro lamang ito nang bitiwan ng Pangulo subalit hindi matatawaran ang bisa ng kanyang mga pagkutya kapag sineryoso. 

Hindi maaring itanggi na may mga kababayan ta-yong nahihibang sa pagsunod sa ating napakasikat na Pangulo. Subalit hindi rin maitatatwa na mayroon ding mga Pilipino na may sama ng loob sa kanilang mga pari. Ito ngang summit na dinaluhan ni Cardinal Tagle ay idinaos ng simbahan upang harapin ang mapait na katotohanan ng pedophilia at sexual abuse sa hanay ng mga kaparian. Napakaraming ganitong kasong lumutang mula sa mga Catholic communities sa Amerika, Europa, Africa, Asia at iba pang continents. Kahapon nga lang ay may na-convict na mismong Cardinal ng Vatican sa panghahalay ng menor de edad.

Hindi exempted ang Pilipinas sa ganitong salot. Nito lang nakaraang linggo, may inarestong Amerikanong pari na nanamantala ng mga musmos na ang pinakabata ay 7- years. Mayroon ding Monsignor noong 2017 na na-entrap sa motel kasama ang isang 13-years old na dalagita. Dalawa lamang sila sa napakaraming kaso. At ang malubha, patay malisya ang karaniwang sukli ng simbahan sa mga dumudulog para matulungan.

 Hindi makakaiwas sa sisi ang Pangulo sakaling may manakit ng pari. Ang punto ko lang ay hindi rin malinis ang kamay ng simbahan kung ang hugot ay sa usaping ito nagmula.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with