^

PSN Opinyon

ABS-CBN, GMA-7 at Inquirer (Itigil ang pagnanakaw n’yo! )

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAYONG mga nabanggit, alam n’yo ba ang mga salitang origin, source, copyright and courtesy of? Kung kayo’y mga bihasa at batikang mga journalist o reporter ng inyong mga ipinagmamayabang na network at diyaryo, do not withold the truth. If you withold the truth then you are lying. When you lie, you are already stealing.

Nilalantad ko ang mga baho n’yo. Hindi ko kayo binabastos. Pinamumukha ko lang sa inyo ang estilo ng inyong pagiging mamamahayag. Mapapatawad ko kayo kung aamin na wala kayong “journalism ethics”. This is the consequence of your action. I am, not trying to shame you or insult you. I’m just straightforward, honest and unfiltered.

Kayong mga nagmamay-ari sa ABS-CBN at GMA-7, turuan ang inyong mga reporter na ‘wag magnakaw. Sinasama na namin kayo, Philippine Daily Inquirer. Anumang istorya na nagmula sa BITAG, binuo ng BITAG hanggang sa pagka-sakote ng subject sa tulong ng mga alagad ng batas ay hindi n’yo kailanman maaangking exclusive. Isasama ko na rito ang mga operatiba ng Philippine National Police na inatasan lang ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde – ang Counter Intelligence Task Force sa ilalim ng Intelligence Group.

Ang istoryang ito ay talagang ibinabahagi namin sa news media. Limang buwang trinabaho ng BITAG sa pa­mamagitan ng surveillance at undercover. Ang istorya, pangongotong ng hepe ng Cavite Maritime Police na si Col. Armandy Dimabuyu sa mga pobreng mangingisda sa Cavite. Limang libong piso bawat bangka ang butaw na hinihingi ni Col. Dimabuyu sa mga maliliit na mangingisdang lumapit sa BITAG para tuldukan ang pangongotong. Dalawampung may-ari ng mga bangka ang humingi ng saklolo sa BITAG.

Nitong Biyernes, pasado 7:00 ng umaga, breaking news ito sa programang  BITAG Live sa PTV4. Kasama ng BITAG Strike Team ang grupo ng PNP-CITF na inatasan ni Gen. Albayalde na isagawa ang entrapment. Pumutok ang balita sa telebisyon. GMA-7, ABS-CBN, Inquirer at iba pang network. Ang ginawa ng mga ito, “they witheld the truth. They stole our story.”

They tried their best to be more creative and disregard the exclusivity of the story by not giving the BITAG MULTIMEDIA NETWORK credit by using the words video “courtesy of”.

Hindi maisasakatuparan ang istoryang ito kung hindi nakipagtulungan si PNP chief. Inatasan niya ang CITF. Eto namang mga putok sa buhong grupo ng CITF, nagpagamit sa mga kawatang kapatid namin sa hanapbuhay. Kaya kayo sa CITF, sapol din kayo rito, matuto kayo, ‘wag kayong maging tanga, ‘wag kayong magpagamit. Tandaan, istorya namin ito. Ngayon, kayo ang itinuturing mga “hudas” ng mga kinakastigo kong kapatid namin sa industriya.

ABS-CBN, GMA-7, pinalampas namin ang inyong pagnanakaw noong unang beses. Pangalawang beses na ‘to. Hindi namin kayo palalampasin, gamitin n’yo ang hukuman kung gusto niyong makipagsubukan sa BITAG!

Buong istorya, abangan ngayong Sabado sa pamamagitan ng simultaneous showing sa pambansang network – PTV4, BITAG YouTube TV @BITAGOFFICIAL, bitagmedia.com, 8:00 hanggang 9:00 ng gabi.

vuukle comment

JOURNALISM ETHICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with