^

PSN Opinyon

Lasing

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

PINAIIGTING ngayon ng Davao City government ang implementation ng Republic Act No. 10586 o Anti-Drunk and Anti-Drugged Driving Act of 2013 dahil sa patuloy na tumataas na bilang ng mga naaaksidenteng lasing lalo na ang mga nakamotor kahit na yung mga nagmamaneho ng malalaking sasakyan.

Ngayong buwan na ito, 40 katao na ang nahuli sa paglabag ng RA 10586 at tinatayang hindi na sila makakakuha uli ng lisensiya kahit kailan. Ibig sabihin, hindi na sila makakapagmaneho. 

Maliban pa sa pagkumpiska ng lisensiya at pagkabilanggo at pagbayad ng malaking fine, may panukala na rin dito sa Davao City na kung sino mang madidisgrasya at napasok sa pagamutan ay hindi makakatanggap ng tulong mula sa Lingap Para sa Mahirap program ng Davao City government.

Malaking tulong ang Lingap sa mga nagkakasakit dahil nga inaako nito ang malaking bahagi ng gastusin sa hospital.

Kaya ang ginawa ni Mayor Sara “Inday” Duterte-Carpio ay pinagbawalan na ang pagbigay ng assistance sa mga nadidisgrasyang indibidwal na napapatunayang nakainom sa panahon ng aksidente.

“Drive drunk. No Lingap” ang nakalagay na babala sa mga driver dito sa Davao City.

Kaya nga nag-iingat na ang mga nagmamaneho rito lalo na yong galing sa mga bars dahil may mga apat na teams ang Highway Patrol Group na nakakalat sa iba’t ibang area ng Davao City na handang i-check ang mga nagmamaneho at nakainom. 

Ang saklap kung hinding-hindi ka na makakakuha ng lisensiya kahit kailan. Kaya mag-isip muna bago magmaneho at iinom. 

vuukle comment

ANTI-DRUNK AND ANTI-DRUGGED DRIVING ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with